"Overnight nalang kayo saamin!Tutal maaga alis natin bukas at malapit naman bahay namin sa school para hindi tayo malate" sabi ni bea habang kumakain kami sa may garden sa tapat ng room namin.
"ako okay lang nakapag paalam naman ako kay mommy at daddy e." sabay ngiti ni shine saakin na para bang may gustong iparating.
Fudge! alam ko na kung anong gusto nyang iparating. Si shine talaga parang may sayad! pipilitin nanaman ako nyan.
umiling ako at nag sabing "ako hindi", habang paalis sa garden.
tumingin si shine saakin na punong-puno ng pagtataka at sinundan ako
"kayla naman?! bat hindi ka pa kaya sumama?!"
"shine! alam mo naman diba?"
"alam na ano?"
"na magiging issue nanaman yung saamin ni jm. alam mo namang gusto ni bea
at ni jenny c jm dba?" sabay harap sakanya
napayuko c shine at nagsabing"oo na sige kayla, ako nalang"
hinawakan ko sya sa balikat nya at sinabing "please shine, don't get me wrong. you know all those things naman diba?"
"oo kayla, alam ko at naiintindihan ko."
Si shine talaga, sya yung pinaka nakakaintindi saakin. sakanya ko din nasasabi yung mga bagay na hindi ko masabi sa barkada namin. Maganda naman c shine e, as i always tell her. yun nga lang may pagka chubby. Pero kung ako ang lalaki sya yung babae na kaligaw-ligaw. average yung ganda nya at super bait nya. Ewan ko ba sa sira ulong karl bakit nya pa pinakawalan c shine. Tapos kay bea pa nagkagusto. Juice colored! Sa sobrang sakit ng nangyari kay shine? talagang mawawalan sya ng ganang mainlove. milagro nalang siguro pag nainlove pa sya this time. Fresh pa kasi yung sugat sa puso nya e, i mean yung mga sakit na naramdaman nya yung everyday na pag luha nya para kay karl. Ang sarap nya kayang batukan noon!
"napano ka?" tanong ko kay shine pagkatapos nyang magbuntong-hininga at itago ang cellphone nya sa bulsa nya.
"wala. nagtxt nanaman kase si john." habang tinataas nya ang isang kilay nya
"oh tapos.?anong problema?"
"tinatawag kase nya akong Best, short for bestfriend."
tinapik ko sya sa likod nya at pabirong nagsabing "baka sya na talaga?"
"KAYLA!!!!" pasigaw na sabi nya.
"ok. ok." tawang tawa kong sabi. e kasi naman yung mga kilay nyang makapal e nagkakasalubong,kamukha nya si chinchan yung maliit na cartoon character, nakakatawa itsura nya!
___
Shine's POV
nasa bahay kami ngayon nila bea. Galing na din kami sa supermarket at namili. As usual walang boys na kasama ngayon ayaw kasi ng boys at ayaw din ni bea for the reason na ayaw din ng magulang nya na may nagoovernight na boys sa bahay nila. Bukas na ang seminar at maaga ang call time kaya dito na din ako natulog.
From: john
Good evening best! Pag dala mo ako ng food bukas ah! Tabi tayo sa bus! thank you best! Nga pala, gisingin mo ko bukas ah!:)
fudge! akalain mo nga naman! gisingin? pagdala ng pagkain? at... at tumabi sa bus? grabe naman.
Phone ringing....