Genesis

27 0 0
                                    

“Vie,i love you” ,marahil isang taon na nga ang nagdaan ngunit hanggang ngayon sa tuwing naririnig ni Stevie ang mga katagang ito ay hindi niya pa rin napipigil na mamugto ang mga mata.

“Stevie, anak anung nangyare?”    Nag-aalalang tanong ni mama.

“Ma..mama bumisita siya!!”. Naaalala ko na nanginginig pa ang boses ko noon ngunit bakas sa mukha ko ang kakaibang ngiti habang kausap ko si mama.

“Anak,tama na. Maawa ka naman sa sarili mo”.  Ngunit nanatili pa rin akong para bang naparalisa.Tuluyan ng nawala ang sayang aking nadarama. Ramdam ko ang luhang patuloy sa pagtulo mula sa aking mga mata. Hindi. Hindi ko matanggap ang katotohanan. Kahapon lang kasama ko siya. Kahapon lang masaya kami.

Hindi ko na namalayan ang mga sumunod na pangyayare at hindi ko na rin maalala kung paano ako nakarating sa lugar na ito. Sa lugar kung saan isinasampal sa akin ang katotohanang wala na siya.

“Ve...venice”.  Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luhang kanina ko pa iniindang pumatak. Ang pangalang iyon ang tangi kong pinangakuan ng aking buhay. Ang babaeng handa kong pakasalan, ang tanging babaeng pinangarap kong makasama sa buong natitirang araw ng buhay ko.

“Patawad kung ngayon lang ako nagkalakas-loob na bumisita. Patawad kung hindi ko matanggap na wala ka na at patawad p-pero mahal pa rin kita”.  

Tuluyan na akong napaluhod sa aking kinatatayuan. Hindi ko kayang tanggapin ang katotohanang wala na siya. Ang sakit isipin na lahat ng plano namin ay wala na, lahat ng pinaghirapan nami’y nawala dahil lang sa walang kwentang sakit na yan. Nawala lahat.

It’s been a year already since she - the love of my life passed away. Everytime I closed my eyes, siya ang tangi kong nakikita. Her voice keeps lingering back into my ears and the warmth of her embrace is what im craving to feel.

Niyakap ko ang puntod na may nakasulat na Venice Del Torio.

'til my Last BreathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon