A/N: Hello, sa mga magbabasa at nagbabasa, sorry po sa wrong spelling at wrong gramming.
Chapter 1
Juan Miguel G. San Sebastian. The guy who stole my heart. The guy who made me fall hard yet didn’t catch me. That’s Juan Miguel San Sebastian for you.
3 years Earlier
“Kuya!!! Payagan mo na kasi ako, ano ba?! Aatend lang naman ako sa exhibit ni Miguel!” Pagmamakaawa ko sa kapatid ko.
“Hindi nga pwede kasi may duty ka pa mamayang 6.”
“E uuwi din naman agad ako eh, 12 pa lang naman oh.” Turo ko pa sa wall clock namin.
“Kahit na! Wala ka na namang tulog mamaya eh alam mo namang intern ka pa lang sa hospital.”
“Eh di iinom na lang ako ng maraming kape. So please kuya saglit lang naman eh.” At nag-puppy dog eyes pa ako sa kanya. Matitiis ba naman ako nito eh bestfriend ko yan eh.
Yup you read it right, bestfriend ko sya. Hindi kami related by blood pero dahil naging malapit kaming magkaibigan kaya naging kuya ko na sya. Sya lang kasi ang umaalo sa akin nung mga panahong kailangan ko ng pamilyang sasalo sa akin. Akala ko habang buhay akong magiging miserable pero hindi naman pala dahil dumating sya nung mag-high school ako.
“Okay,pero Lily dapat before 5:30 nasa hospital ka na ha. Naitawag ko na kay Red, kaya malalaman at malalaman at malalaman ko kung dumating ka o hindi ng saktong 6, okay? Hala, ba-bye na at tapos na ang break namin.” At nag-blackout na ang screen ko ng mag-sign out na ito sa Skype.
Si Kuya Bryan ay isa sa mga kilalang doctor sa pinagta-i-internan kong hospital. Sya si Doc Ramirez. Magaling ito at super idol ko yan kaya naman nag-doctor din ako kasi gusto kong sumonod sa yapak nya. I want to help those people in need lalong-lalo na yung mahihirap.
Ala una na ng makarating ako sa photo exhibit ni Miguel. Hindi kami close pero Miguel ang tawag ko sa kanya. Because to me he’s everything and to him I’m noone...I’m nothing.
Nililibot ko ang hallway ng exhibit room ng makita ko sya na nakatindig sa isang napakalaking black and white photo. Laman noon ang isang napakagandang babae na sobrang saya habang nakatingin ito sa harap ng kanyang lente.
Nalungkot ako bigla ng makita ko kung paano haplusin ni Miguel ang mukha ng babaeng iyon sa larawan. Malungkot ang mga mata nitong tanging focus lang ay ang mukha ng babaeng iyon. It’s as if they have this deep connection na walang kahit sino man ang makakapasok...makakabali nito.
BINABASA MO ANG
May-December Affair
Romance"There's a weird pleasure in loving someone who can't love you back." Oo na, ako na ang masokista. Ano ba namang magagawa ko kung ganun ko sya kamahal na to the point na kahit sobrang sakit na nagiging manhid na ako para lang mahalin ko pa rin sya...