"School Love Story"

1 0 0
                                    

     Unang pasukan sa school,isang napakagandang pasok ko.Lahat ng estyudyante doon ay sabik na mag aral.Naninibago ako sa mga kaklase ko dahil lahat sila ay may kanya kanyang grupo at ako lang ang nag iisa na walang kabarkada.Tiningnan ko silang lahat at mukha namang mababait at mapagkakatiwalaan.Kung kaya't nakipagkaibigan ako sa kanila.Sila ay sina Alex,Wilford,France at Jomar at nakangiti naman silang tumanggap sa pagkakaibigan namin.At mula noon naging matalik kaming magkakaibigan.Sabay sabay kaming nabili sa canteen at sabay sabay din kaming kumakain sa bahay nina Jomar.Sabay din kaming pumapasok sa paaralan.Umaga,tanghali,lahat sila ay may sari sariling girlfriend.Ang kay Alex ay si Elona,si France    ay kay Grace,si Wilford ay kay Joy at si Jomar naman ay kay Anne.Lagi nila akong niloloko na maghanap na daw ako ng maliligawan.Sabi ko sa kanila "wala nga akong mapili eh ".Tinanong nila ako kung ano ang gusto ko sa isang babae.Kaya sabi ko "gusto ko yung mabait,masipag mag aral at higit sa lahat maganda".Sabi nila, " kilala na namin kung sino ang pwede mong ligawan".Sabay tanong ko " sino ba yun".Sabay sagot sa akin na "si bea".Nandyan yung hinahanap mo sa isang babae.Mabait,masipag at higit sa lahat napakaganda nya.Andon siya sa kabilang section.Tuwang tuwa ako nung sinabi nila sa akin yun .
   
    Kinabukasan,lagi kong tinitingnan si Bea sa section nila.Kung sya ba talaga yung hinahanap kong babae.Nakikita ko naman syang mabait,masipag at higit sa lahat napakaganda nya.Hindi sya nabase sa itsura.Nang uwian na,hindi ko sya makalimutan. Parang nahuhulog na ako sa kanya.Hanggang sa dumating ako sa bahay namin,lagi ko pa rin syang iniisip.Hindi sya maalis sa aking isipan.Napatanong na lang ako sa aking sarili kung sya na ba talaga ang hinahanap kong babae.Na magpapasaya sa akin at hindi nya ako iiwan.

   Kinaumagahan,maaga akong pumasok at hinihintay ko ang aking mga kaibigan.Dahil magpapatulong ako sa kanila na ligawan ko si Bea.Nung dumating na sila at sinabi ko yun na liligawan ko si Bea ,napatawa lang sila.Kaya naisip ko na dun na lang ako magpatulong sa bestfriend ni Bea na si Andrea.Ngunit hindi ko alam na sya pala ang may lihim na pagtingin sa akin.Pero pumayag naman sya na tulungan ako.

   Kinabukasan,nakita ko si Andrea na naglalakakad sa tapat ng bahay namin .Kaya tinawag ko sya .Tumigil sya sa paglalakad at lumapit ako sa kanya.At sinabi ko sa kanya na hingin yung cellphone number ni Bea.At pumayag naman si Andrea .Nung nakaalis na sya,pinuntahan nya agad c Bea para alamin kung ano ang cellphone number niya.Nang bumalik si Andrea sa bahay namin ,sinabi na ako daw ang kumuha ng number nya .Sabi ko " sige sige,bukas na bukas din ".Maaga akong gumising para maghanda na sa pagpasok .At excited na akong kunin ang number ni Bea .At pumasok na nga ako .Hinintay ko si Bea sa school.At nang dumating na sya ,tuwang tuwa ako nung makita ko sya .At nilapitan ko sya para mahingi yung number nya .Agad nyang ibinigay sa akin kaya lalo akong natuwa .Lagi na kaming nag uusap at lagi ko na syang nakakatext .Hanggang sa lalo akong mahulog sa kanya .Niligawan ko na sya,dahil napamahal na sya sa akin .Hindi ko alam na nahulog na din pala sya sa akin.At dumating yung araw na sinagot na nya ako .Sobrang saya ko talaga .Pakiramdam ko ako na ata ang pinakamasayang lalaki sa mundo .Nangako ako sa kanya na mamahalin ko sya habang buhay at hindi ko sya lolokohin .Lagi akong nagdadasal na sana hindi na kami maghiwalay kahit anong pagsubok ang dumating sa amin .At ganon din ang gusto ni Bea .Nagpasalamat ako kay Andrea at masaya naman sya sa nangyari .

      Habang tumatagal lalo ko syang minamahal at ganon din sya sa akin .Lagi ko syang binabantayan,parang pag kasama ko sya ayoko nang umuwi ng bahay.Mahal namin ang isa't isa at wala nang pwedeng humadlang sa aming pagmamahalan.Pinangako ko na sya na yung babaeng papakasalan ko at magsasama kami ng matiwasay.Nagpasalamat na din ako sa aking mga kaibigan kahit hindi nila ako natulungan.At nang magtapos na kami ng pag aaral hanggang sa magkatrabaho .Niyaya ko na sya na magpakasal at pumayag sya .Sobrang saya din ng mga kaibigan ko sa amin

At dito nagtatapos ang kwentong ito.

   

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 23, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

"School Love Story"Where stories live. Discover now