First Day...

32 0 0
                                    

Chapter 1

 First Day…

    

Mark Ian’s POV

 

  *Kriiiiing* *kriiiiing* *kriiiing* Aish! Nakakainis naman! Ang sarap sarap ng tulog ko eh, panira!

Mark anak! Bumangon ka na riyan, unang araw mo ngayon sa eskwela bawal ma-late, pumasok ka utang na loob! Handa na ang almusal mo.” Mama.

 Opo ma, babangon na po! Sagot ko.

 Haynako, ang nanay ko talaga tinalo pa ang alarm clock ko hahaha. Hindi naman sa tamad ako, pero nakakatamad talaga pumasok eh. 4th year HighSchool na ako at nag aaral sa Paradise Academy. Pero buti na lang masipag pumasok ang girlfriend kong si Nicole kaya ayun, sinisipag na din ako hahaha. Speaking of Nicole, ngayon pala ang 3rd anniversary namin bilang magkasintahan. Hayy, mahal na mahal ko talaga ang babaeng ‘yon. Oo nga pala, ako si Mark Ian M. Buenaventura pero pwede niyo rin akong tawaging Mark. Osiya sige, mamaya na tayo magkwentuhan maghahanda muna ako para sa pagpasok at sa surprise ko para sa pinakamamahal ko.

 

 

 

Reina Aileen’s POV

 

   Goodmorning Sunshine! Hayy, first day of school na naman. At first day ko din sa papasukan kong eskwelahan ngayon sana marami akong maging kaibigan at sana may makaclose ako na pogi hahaha. Ako nga pala si Reina Aileen G. Escudero ang pinakamaganda sa mata ng nanay ko hahaha. Pwede niyo akong tawaging reina. 4th year HighShool na ako at inenroll ako ni mama sa Paradise Academy. Sana maganda do’n.

 “Reina, handa na ang almusal” Mama.

 Okay, maghahanda muna ako. Babush!

Mark Ian’s POV

 

   Sa wakas, nakarating na rin ako dito sa school ng payapa hahaha. At kasalukuyan kaming naghahanda ng sorpresa para sa aking mahal na si Nicole. Hindi naman sa pagmamayabang, pero maganda ang boses ko at magaling akong mag gitara. Ang totoo niyan, may banda kami. Ang tawag sa banda namin ay Whisper War, astig diba? Ako nag isip niyan!

 “Mark, andyan na si Nicole, maghanda ka na.” Si Rico, ang kabanda at kabarkada ko.

“Tangina pare, kinakabahan ako!” Sagot ko.

 Bahala na shet! Natanaw ko na si Nicole, ang ganda niya talaga. Ang swerte ko. Sumignal na ako sa banda at nagsimula nang tumugtog ng gitara si Will. At nagsimula na rin akong kumanta.

 “Meron akong kwento, isang love story na nangyari sa kanto habang ako’y papunta saking trabaho ay may tumatakbo at bigla na lang kaming dalawa’y nagkabunggo.”

 Naalala ko noon, nang una ko siyang makita nagmamadali ako noon dahil may ihahabol akong requirements tapos nabunggo ko siya. Haay, ibang klase talaga!

 “Ako’y nagtataka saking nadarama, nang makita siya ay kumislap aking mata, kahit ligaw tingin sana ay ‘yong mapansin ng makumpleto ko ang love story ko”

Nang matapos ang kanta, bumaba ako ng stage at sinalubong ko siya at may dala dala akong chocolates at bulaklak. Pero napansin kong parang matamlay siya, hay mamaya ko na nga iisipin ‘yon. Ang importante, Masaya ako sa first day ko…

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 15, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Simpleng Tulad MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon