Dear Ken,
Naaalala mo pa ba nung ika’y nagtapat ka sa akin? Hindi ako kaagad nakasagot noon, dahil sa aking lubos na pagkabigla. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na ako pala ang gusto mo
Sinabi ko sayong, hindi pa ako handa, Pero hinawakan mo lang ang kamay ko at sinabing handa kang maghintay. Huwag mong isiping kinikilig ako nung sinabi mo yun. Dahil sa totoo lang, hindi ko alam kung dapat ba kitang paniwalaan.
Natakot ako, natakot ako na baka tuluyang mahulog ang loob ko sayo. Alam mo namang bawal pa kong mag boypren, siguradong kakalbuhin ako ng tatay ko kapag nalaman niya ang tungkol sayo.
Bakasyon na noon, kaya’t naging madali sa akin ang pag-iwas sayo. Di ko nirereplayan ang mga text mo, hindi na rin ako nagbukas ng kahit anong social networking site, para mawala na angating komunikasyon. Nagbakasyon ka daw sa Manila,iyon ang sabi ng bespren mo.
Nasaktan ka ba noong mga panahong iyon? Pasensya na’t binale wala ko lang ang lahat ng sinabi mo. Inisip kong nagbibiro ka lang at isang araw ay magigising kadin sa katotohanan.
Kaya naman nagulat ako ng isang araw ay nakita kita sa tapat ngaming bahay. Napansin kong lalo kang tumangkad at nagbago narin pati ang ayos ng buhok mo.
Nakita mo ako at biglaang yinakap. Nagulat ako kaya naitulak kita papalayo. Hinila kita papalayo sa amin dahil natatakot akong makita ka ngaking tatay. Napadpad tayo sa may park at doon tayo napaupo.
Inabot mo sa akin ang isang box ng toblerone, kaya’t tinanong ko kung para ito’y saan. Ang sabi mo lang pasalubong iyon. Kinuha ko na at akma ng tatayo nang hinawakan mo ang kamay ko. Tiningnan mo ako sa mata at sinabing namiss mo ako.
Natuwa ako sa sinabi mo at napatunayan kong gusto mo nga ako. Di bat’ yun ang araw na sinabi kong handa na akong tangapin ang pag-ibig mo? Hindi mo na itinanong kung bakit hindi ko sinasagot ang mga tawag at text mo, sa halip. Niyakap mo lang ako ng mahigpit at nagpasalamat ng todo.
Natapos na ang bakasyon at nagsimula na tayong pumasok sa kolehiyo. Magkaiba tayo ng pinasukan, pero hinahatid-sundo mo pa rin ako. Sa araw-araw ay ganoon lagi ang takbo, pero doon lang tayo sa kanto nagtatagpo. Hindi pa rin alam sa bahay ang tungkol sayo, pero sinabi mong naiintindihan mo.
Di ko napansin, pero nahulog na pala ako sayo. Sino nga ba ang babaeng hindi mahuhulog sa taong katulad mo?
Natapos ang isang sem at sinamahan mo akong kunin ang kard ko. Bumagsak ako sa isang subject, at sobrang nalungkot ako. Unang taon pa lang at unang semester pa lang, pero nabinyagan na ako. Umiyak ako, at nilibre mo lang ako ng meryenda sa Mcdo. Sabi mo ay okay lang yon, at pinalubag pa ang loob ko. Pakiramdam ko ay ang tanga-tanga ko, pero ngumiti ka lang at sinabing
“Kaya pala di mo masagot ang tanong ko.”
BINABASA MO ANG
Dear Ken
RomanceShort story. Love is a sacrifice. A commitment. It make people change. Unexpected things happen. We can never control feelings and emotion. Regrets and Forgiveness. Hanggang saan ang kaya mong ibigay sa ngalan ng pag-ibig? Ano ang panghahawakan mo...