GasonDamukal..

65 0 0
                                    

Hi. Ako si Colline. 15 years old. 1st  timer. XD isa pa lang yung kwentong nabasa ko sa wattpad. pinabasa lang ng cm8 ko. naging interesado ko dito kaya eto tinry ko gumawa. xDD Sana pagpasensyahan na lang po. XD

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ako si Celine, a.k.a Chona. Binansagan nila akong chona dahil daig ko pa daw ang matrona. Masasabi kong isa kong babae. pero may pagkapusong lalake.. NBSB ako since then. Bata pa lang ako puro lalake na yung mga kalaro ko. Naranasan ko maglaro ng luksong baka,luksong tinik, pag-akyat sa bakod, bakimoro, turumpo, maglaro ng teks at pogs, pati na din makipagsuntukan.. Ang mga kaibigan ko ay sina Lin,Yen, at Gason a.k.a (GasonDamukal ang kaartihan). Si Gason kasi ay babakla bakla mga bata pa lang kami pero di ko makakailang siya ay gwapong bakla. Hindi niya man aminin ay halata naman sa kanya ang pagiging pusong babae. Nadadaig nya pa nga ako at si Lin at yen sa pagtili. Pero sa kanilang lahat, kami ni Gason ang nagkakasundo. Kahit hanggang sa ngayon kami pa din ang madalas magkasama dahil magkaklase kami.

Pasukan na, at highschool na kami ni Gason. 8:00am ang simula ng aming klase, pero ang nakakahiya. 8:00am ako nagising. Madaling madali ako, nagtoothbrush,nagbihis at pumasok na. Pagpasok ko sa room, pinagtawanan ako ng aking mga kaklase. Hindi ko kasi namalayan na hindi pala ko nakapagsuklay. Hiyang hiya ako nun, pero inawat lang sila ng aming teacher kaya sila tumahimik. umupo ako sa tabi ni Gason. Sinabi ni Gason sakin na "Bat ka ba kase nalate? Unang pasok pa lang e. At hindi ka pa nagsuklay, mas maganda pa ko sayo!", natawa na lang ako dito kaya kahit papano napawi ang pagkahiya ko.

Lumipas ang mga araw, kami pa din ni Gason ang laging magkasama. Nasabi niya sakin na crush niya daw si Kyle, classmate naming maputi,singkit,gwapo at matalino ang kaso nga lang ay mayabang. Lahat ng kaklase kong babae ay kiring-kiri sa kanya. Halos lumawit ang mga mata nila sa kakatitig kay Kyle. Syempre, dahil mayabang si Kyle, damang dama niya ang pagpapapogi sa harap ng mga kaklase namin ni Gason. Si Gason naman ay kinikilig din sa twing palapit si Kyle, kinukurot niya ang tagiliran ko, kukurutin pa at kukurutin pa ng paulit-ulit.

Dumating ang 4th year life namin, magkaklase pa din kami ni Gason, pero hindi na siya kasing daldal at arte gaya ng dati. Napag-usapan naming a-attend na kami ng JS prom. Masasabi kong bestfriend ko na talaga siya. Dumating ang araw ng JS prom namin. Kahit ayaw ko ay pilit akong inayusan ng ate at mama ko. Pagdating ko, nagtitinginan ang mga tao sakin. Hiyang-hiya ako nun, dahil naalala ko ang nangyari sakin nung 1st year, ang kaibahan lang ay hindi sila tumatawa. Ang naririnig ko lamang ay "Sino siya? Ang ganda." Hindi ko na lamang iyon pinansin, hinanap ko ang mga kaklase ko at tumabi sa kanila. Ang unang nakakita sakin ay ang kaklase kong si Mimi, kilala siyang daig pa ang higad sa kaartihan at kulang pa ata ang hibla ng buhok niya sa bilang ng naging boyfriend niya. Tinitigan niya ko mula ulo hanggang paa. Nakatayo lang ako at nagtataka kung  bakit siya ganun tumitig sa akin. Umalis na lang ako at hinanap ko si Gason sa grupo ng mga lalake at babae pero hindi ko siya nakita. Hanggang sa dumating ang 9:00pm, may isang lalakeng dumadating , nakasuot ng coat,nakataas ang buhok, at napakapogi talaga para sa akin. hindi ko alam kung bakit napakabog ang dibdib ko habang siya ay papalapit. Naaaninag ko na parang may kamukha siya.. "Si . . . . Si Gason!" Nauutal ako nun dahil nga sa kumakabog ang dibdib ko. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay naging babae ako ng mga oras na iyon.

Umupo sa tabi ko si Gason at nagsalita, "Infairness Chona ah, ang ganda mo ngayon.", napangiti ako nun pero tumawa naman siya na parang nang-iinis. Sumagot na lang ako ng "Infairness din, ang pogi mo ngayon." nasabi ko yon ng para bang may kumukiliti sa puso ko. Hindi ko alam pero noon ko lang naramdaman ang ganun. Para bang gusto ko siyang yakapin. Natanong ko na lang sa sarili ko na, "Chona. anong nagyayari sayo?!". Napapailing na lang ako at  iniisip na mawawala din ang magulong nararamdaman ko na yun.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 29, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

GasonDamukal..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon