Bitay (Dagli-TAG)

15 1 0
                                    

Third Person Point of View

Maghahapon na nang matapos ni Binibining Elizabeth Stanton ang kaniyang kaso upang ipagtanggol ang amerikanong lalaking nanggahasa sa isang pilipinang babae.

Tagumpay!

Napilitan lamang siya sapagkat kapos siya sa pera lalo na't siya ang inaasahan ng kaniyang pamilya at kasisimula pa lamang niya sa kaniyang trabaho.

Wala sa sariling lumabas siya ng korte suprema, hindi niya akalaing nagawa niyang ipagtanggol ang masama kaysa sa ipaglaban ang kung ano ang tama. Anong magagawa niya, ito ang kaniyang trabaho. Kpag abogada ka kahit masama man o masidhi ang 'yong kaso'y dapat ipanalo mo ito sapagkat trabaho mo ito at higit sa lahat, binabayaran ka.

Bumalik lamang ang kaniyang diwa ng marinig niya ang nakakarinding sigaw ng isang babaeng pumiglas mula sa mahigpit na hawak ng dalawang pulis. Ang babae'y nakasuot ng isang posas. Ang suot niyang isang pormal na kasuotan at ang kulay at gupit ng buhok nito'y katulad na katulag ng kay Elizabeth, isama mo na rin ang tindig ng babaeng nakaposas. Parehas!

Labis siyang nausyoso kung ano ang nangyari. Wari niya kasi'y may naggawang masama ang babaeng pinagsisisihan nito sapagkat tumututol siya sa hawak ng mga pulis.

Walang agam-agam niyang nilapitan ang pulis na nasa likurang bahagi ng babaeng bihag ngunit hindi lumalakad. Kinulbit niya ito at agad naman itong humarap, itinanong niya kung ano ang nangyayari.

"Hindi siya nagtagumpay sa pagtanggol sa mismong laban niya sa mayamang kliyente niyang ginasaha siya ngunit dahil nga hindi niya nadepensahan ang sarili, kaya nag-akala ang hukumang nagsisinungaling lamang siya." Ang tugon ng pulis at saglit itong tumigil. "Ngayo'y nagdesisyon ang hukumang paparusahan siya ng isang bitay,"

Labis ang pighati na nagdulot ng kwento sa kaniyang damdamin. Naisip niyang siguro'y gano'n sin ang nangyari sa babaeng hindi nagtagumpay sa kaso niyang ipaglaban ang sarili laban sa kanila.

"Kasunod niyang itinanong ang pangalan, "Anong pangalan niya?"

Tumingin sa kaniya ang pulis, "Siya si Elizabeth, Elizabeth Stanton."


P.S. Si Elizabeth Stanton ay isa sa mga babaeng lumaban ng karapatan ng mga kababaihan para s apagboto noong 19th century. Ngunit hindi siya totoong namatay dahil bibitayin siya.





School Work Stories (2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon