Chapter 1

11 0 0
                                    

*TING*

Eto nanaman ang gc naming fans club. Meron nanaman sigurong bagong meet up. Ang tagal ko na di active dito sa totoo lang.

*TING*
*TING*

"Kaninong phone yun? Kanina pa tunog nang tunog! I-silent niyo yan!"

Napatingin ung iba sakin na parang tumatawa. Sa tunog naman kasi alam na agad na sa akin iyon dahil na rin sa lugar na nakalagay.

"Uy, Athena. Silent mo na yan baka malaman pa ni Ms na sayong phone yung tumunog" bulong sa akin ni Jess kaya sinilent ko nalang.

Tinignan ko ung nagmessage at ung gc name nga Evansters.

[Asy: Tara may mall show si Evans mamaya sa megamall! Punta kayo!

Louie: Oo sige kita-kita nalang tayo. Magchat sa akin ung mga pupunta

Sed: Okay po.

Louie: @AthenaTorres ang tagal mo ng di active dito sumama ka na plssssss]

Napatigil ako sa pagbabasa, syempre gusto ko rin makita si Evans pero ayoko na kasi sumama sa fans club.

[Athena: sorry I can't, may gagawin ako after school

Louie: hala sayang. Miss ka na namin :(

Denisse: Oo nga sama ka na kasiii]

Di na ako nagreply at natabunan na rin naman ung message ko sa pictures ni Evans kaya bumalik nalang ako sa pakikinig sa English Teacher namin.

At sa awa ng diyos, natapos na namin ang last subject.

"Girl? Uwi ka ba agad?" Tanong sa akin ni jess.

Napakunot-noo ako "bakit? Gusto mong kumain?"

Tumawa naman siya at umiling kaya ipinasok ko na ang gamit sa aking bag "Bakit di ka pupunta sa mall show ni Evans? Minsan lang yun oh tsaka diba lagi ka naman nagpupunta doon noon?"

Napatigil ako sa pagzipper ng bag noong narealize ko.

"Eh besh, parang di ko kasi feel ung fans club. Para kasi sila bata" saad ko.

Sinakbit ko na ang aking bag at tumingin na sa iba kong classmate.

"Athena may assignment bukas?" Tanong ni Bhen.

"Wala naman ata" at tumawa ako.

"Ay ganun sige bye! Ingat!"

Nagsenyas na si Jess na sumunod na ako sakanya kaya naglakad na ako papuntang pinto.

"Ano napagisipan mo na ng mabuti kung pupunta ka ba?" She asked me while we are walking on the hallway.

Gusto ko na din naman makita si Evans for one last chance. Tas magleleave na ako sa gc and sa fandom.

"Yeah, but I won't tell them that I'll go" yun nalang sinabi ko and we split ways since iba ang sakayan ko papuntang megamall and sa bahay.
———————
Nang makarating ako sa mall, nakakita ako ng mga iba't-ibang uri ng mga poster ni Evans at iba pang mga artista sa labas ng mall. Mga babaeng nakasuot ng tshirt na may mukha din ng mga sinusuportahan nila. Naglakad ako papunta dun sa gaganapin na event pero hindi ko pala nacheck kung nasaan.

Tumigil muna ako sa isang part na mall na hindi matao at parang kakaunti lang din ang mga stalls dito.

Pinuntahan ko ung group chat namin dahil malamang meron doon ang oras at lugar kung saan.

Halos mapatalon ako nang magring ung phone ko.

Asy is calling...

Dating a StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon