Chapter 2

3 0 0
                                    



"Hi Athena! How's my performance?" He asked me nang makita niya ako.

"ahhh...Ang galing... super...as in" I smile and clap awkwardly.

"Ang cute ng rose, right? It's for you. It's not part of the show and I ordered them habang nandun ka na sa labas" then he winked.

Nanlaki ang mata ko at napatingin sa rose. Nasakto naman na patalikod siya kaya hinarap ko siya ulit.

"Why? Para saan?" Medyo naiirita ako kasi ang paasa niya like super!

He shrugged "you saved me, and you're cute"

Umupo siya and nagphone lang sa sofa habang ako nandun padin at nanigas na yung buong katawan.

Traydor na katawan, para akong statue na di makagalaw sa gulat. Parang gusto ko sumigaw sa kilig right now.

"Ano oras ka uuwi?" Napatingin ako sakanya dahil bigla siyang nagsalita tapos tinap niya yung space sa tabi niya na sign na umupo ako dun.

Syempre take advantage umupo naman ako. "I don't know. Maybe 6:30" 6pm na rin kasi and I need sleep.

"Hahatid na kita, papaalam lang ako sakanila" tumayo siya pero hinila ko siya ulit.

"Wag na, wag na. Kaya ko na umuwi" I insisted.

"Nope ihahatid kita, gabi na at baka mapano ka pa" lumapit siya kay ate kaycee at nag-usap sila doon.

May mga binati din siya sa mga ibang artista na hanggang ngayon di ako makapaniwalang nakita ko sila sa malapitan. Para talaga akong naka VIP pass. Free access to them.

"Tara, gusto ko na rin umuwi" sabi niya kinuha yung bag ko.

"Teka, teka. Ba't mo kinukuha bag ko?"

"Gusto ko eh. At ang bigat nito para buhatin mo, ang payat mo kaya oh" tsaka siya tumawa sa pang-aasar niya sakin.

Minasama ko nalang siya ng tingin at nauna na kami.

Nang makarating kami sa may parking lot nakarinig ako ng ingay like parang mga marami group kaya nagtago muna kami kasi baka fans niya yun.

"Anong ginagawa mo?" Hinarang ko siya dahil binabalak niya pang tumuloy-tuloy sa paglakad.

"Saglit, andyan ang mga Evansters" nakita ko ang paglaki ng mata niya kaya agad akong nagisip ng pwedeng paraan "paano yan?"

Napatingin ako sa phone ko at agad na nagchat sa GC ng Evansters.

[Athena: Nandito si Evans sa backstage]

Narinig ko naman na nagreact sila sa chat ko at agad na nagtakbuhan palayo nang sumilip ako.

"Nice, wala na sila. Ano ginawa mo?" Pagmamanghang tanong niya.

Ngumiti nalang ako at hinili siya papalapit doon. Di kami pwede magtagal dahil baka bumalik ulit sila.

Nabigla ako nang maunahan niya ako sa paghawak ng bukasan ng pinto sa sasakyan niya "Sumakay ka na baka bumalik pa ang mga yun"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 28, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dating a StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon