Warning!!!
Ano nga bang pinagmulan
pagkabagabag at kalungkutan
Nais kong malaman
ngunit 'di mo pinagbigyanHanggang sa bata'y kusang lumapit
umiyak ng may takot at pighati
mga isiniwalat mo'y
tila puro pasakitBata'y umamin
pinsan at sariling lolo'y
siya'y walang patawad na kinalantari
aking katawan at isipa'y tila namanhid
Masakit na karanasa'y iyo nang isinatinigMusmus na kaisipan
kanilang binahiran
batang walapang alam
kanilang pinagsamantalahanNgayong akin ng nalaman
iyong kalunuslunos na karanasan
Ano ang aking laban
kung pareho tayo ng pinagdadaanan?
