Our Asymptotic Love

1.3K 18 0
                                    


"Hoy!!! Nixium Flynn" sabay sigaw ng dalawa kong kaibigan na sina Cisum at Louiese.

"Tulala ka naman.." sabi ni Cisum.
" Welcome to earth, Niiiiiiixxxxiiiuuuummm"  sabay kaway nya sa harapan ng aking mukha.  "Malapit ng dumating si Ms. Gen. Math, baka gusto mo ikaw ang unang masampulan dyan...nasa harapan ka pa naman" dugtong nya.

"Andyan na si Ms. Gen. Math!!!!!" sigaw ng President namin.

Halos magkada- ugaga na ang mga kaklase ko makabalik lang sa kani-kanilang upuan pati na rin ang dalawa kong kaibigan. 

"Good morning, Ma'am"
"Good morning....You may now take your seat... So for today discussion... We will going to discuss... ASYMPTOTE  of Rational Function.... So before we discuss... Give the meaning of ASYMPTOTE.... Anyone???"

"Ok, Kate...what is ASYMPTOTE?"

"A line that continually approaches a given curve but does not meet it at any finite distance"

" Good ... That's correct"
" Ma'am, parang pag-ibig Yan...PINAGTAGPO PERO HINDI ITINIDHANA!!!"  sigaw Naman ng kaklase kong si Ayessa.

Napaisip ako tama Naman sya parang kami lang😢😢😢....Hindi ko na rin napansin Kung ano pang sumunod na nangyari...nag around the globe naman kasi si brain Kaya di ko namalayan na break time na pala at nasa harap ko ang dalawang tigre na malapit na akong sakmalin....hehehe...joke mga kaibigan ko palang naiinis na kakatawag sakin.

" Iniisip mo naman ba sya"  sambit ni Louiese.
"Day dreaming again" dagdag ni Cisum.
" Haaaayyyy.....Oo" simpleng sahot ko.
"Nixium, alam mo naman di ba, ang layo ng estado nyo sa buhay...Hindi Naman sa dina-down ka namin"

"Alam ko naman yun, eh... He's rich and I'm just nobody.....at walang maipagmamalaki.... Eh sa mahirap talagang ma-inlove sa taong mahirap abutin....Hindi Naman kasi ako katulad nyo?"

" Oh!!! Ba't kami" I just smirk at them.

"Ayaw namin ng tingin mo na ganyan"

" At least sa kin, nakikita at nakakasabay ko pa...eh kayo??" Sabay turo ko sa kanila.

" Fine...fine....you won, ok....pero please,lang Kain muna tayo....Wala daw yung dalawang subject teacher natin"

"Geh!!!"

______________________________________________________________________________

Lecture.....lecture.... lecture....uwian na......

Naghiwa-hiwalay na kaming magkakaibigan, pupunta kasi Yung dalawa sa isang store dito na puno ng mga kpop merch at siguradung uubusin na Naman nila and kanilang pera mabili lang ang mga EXO merchandise. Nauna na ako sa kanila tsaka mag-ga-gabi na, mahirap pa namang sumakay ngayon sa bus...rush hour pa Naman kasi. Nandito na ako ngayon sa may bus stop at nagbabakasali na makita sya....joke....Tamang tama may bench na malapit sa bus stop at noon muna ako umupo."Umuwi na kaya sya"  bulong ko na lang sa isip ko. "Pero, baka umuwi na sya"  kibit balikat na sabi ko. Kinuha ko na lang Yung librong nabili ko sa national book store na sinulat ni Mhiszkitty (hehehe....hanapin nyo Yan Wattpad yang author na Yan....magaganda ang story nya....promise😘)

"Our amaranthine love story!!!"

Nabigla ako sa taong nagsalita say harapan ko. "Sh*t... Muntik ko ng mabitawan Yung libro... Ba't sya nandito"
         "Syempre, Nixium dito sya sumasakay....isip-isip din minsan" sabi ng utak ko.
         "Shut up, brain" nagmumukha tuloy akong tanga dito.... Kainis!!!!Nixium Flynn!!! Inhale!!Exhale..

"Uhmmm...I said Our amaranthine love story" sabay turo nya say librong hawak ko.

"Ahhhh....uhmmm..yeah...by Mhiszkitty" nahihiyang sabi ko....relax lang heart baka mahalata nya....

Our Asymptotic LoveWhere stories live. Discover now