Happiness. One word pero bakit parang ang hirap madama. Sa tuwing nakakaramdam ako ng kasiyahan natatakot kaagad ako. Kasi alam ko sa sarili ko na baka bukas o mamaya ay iiyak ako. Kaya pinipilit ko na hindi makaramdam ng sobrang kasiyahan.
Kaso parang hinahamon naman ako ng buhay dahil kung hindi naman ako masaya, parang may kaaway daw ako o 'di kaya hindi ko nagugustuhan ang mga ginagawa ng mga tao sa paligid ko.
Kaya kailangan ko magpanggap na masaya kahit hindi naman. Right now I am at one certain point where I'm happy not because I need to but not because I am.
Unti-unti 'kong binibigyan ng kasiyahan ang puso at buong pagkatao ko kahit alam ko na may isang dahilan na magbibigay sa akin ng rason kung paano maging masaya habang buhay, ngunit wala ito.
It's been 4 years since the last time I was home. Pinili kong magtrabaho sa ibang bansa dahil nakatulong ito sa akin para magkaroon nang dagdag na experience at mas napapalawak nito ang opportunity ko. It also helped me to breathe in a new environment.
Pagkatapak ko pa lang sa airport para akong sinalubong nang oven sa init. Hindi na ako magtataka kung bigla akong mahihimatay dito. Hindi na muna ako lumabas ng airport dahil mas malamig sa loob at wala pa ang magsusundo sa akin.
Ramdam ko ang tingin sa akin ng ibang tao dahil naka sweatshirt ako na makapal at pantalon. Kasalanan ko ba kung mabilis ako lamigin sa eroplano? Tinawagan ko muna si ate para itanong kung nasaan na sila.
[Hello?] sagot sa akin ni ate.
"Asan na kayo? Andito ako naka upo sa burger king, gusto ko nang pagkain baka bumili ako, nagugutom na ako" sabi ko habang inaayos ang mga maleta ko para hindi nakaharang sa daan.
[Malapit na kami, medyo na traffic lang. Bilhan mo na rin kami ng pagkain nila mama, palibre mo na kasi kakauwi mo lang naman] narinig kong natawa si papa sa sinabi ni ate.
"No, thank you. Utang mo na 'to sa akin ate, nakakailang libre card ka na sa akin ah madaya ka" pang aasar ko sa kanya.
[Oo na, sige na sagot ko na. Ibaba ko na magpa park na ako, antayin mo nalang kami dyan. Bye!] Binaba ko na ang tawag bago nag twitter habang inaantay sila.
Habang nags scroll ako sa twitter para makasagap ng latest chika dito sa Pilipinas nagulat ako nang may humarang na kamay sa binabasa ko.
Pagkaangat ko nang tingin nagulat ako at agad niyakap si ate. Tumingin ako sa likod para puntahan si mama at papa. Inasar pa ako ni papa na ang bigat ko daw. Napasimangot naman agad ako.
Tinawanan lang nila ako sa reaksiyon ko. Umupo na kami nila mama at si ate na ang nag-order ng pagkain para sa amin.