Chapter 8 - GALAAN NA ITUUUU

81 1 0
                                    

Eto na po yung UD.

Medyo matagal ako di nakapag-update. Tinamad eh, konti pa lang kasi ng readers. :(

Thank you sa mga nag-PUSH saken para ituloy tong story. XD Saranghae~

Oh, eto na. Enjoy. :D

***

[Ashley's POV]

"Hello, yes. Oo, papunta na ako dyan. Oo-- wait nga lang kas-- Eto na! Eto na! tsk."

Tinawagan ako ni Sunny kanina. Umalis kasi siya ng maaga papuntang school. Bored daw sa bahay. Pero, if I know gusto niya lang makita si Mico. Haha. Pero, ewan ko ba doon. Aalis ng maaga, tapos ngayon papupuntahin ako dun para magkwentuhan tungkol sa kanya (Mico). May tama rin 'tong kaibigan ko eh noh? Kainis! >_________<"

Nakadating ako sa school ng mabilis pa sa alas-kwatro dahil sa pagmamadali sa akin ni Sunny.

Pinuntahan ko siya sa garden ng school. Nakaupo siya sa may bench na parang kinikilig? or natatae? o parang ang lalim ng iniisip? o nasusuka? Ay ewan! Mapuntahan na nga. xD

"Psst. Oy! Gawa mo dyan?"

"Hooooy~ Bakit ang tagal mo? Kanina pa kita hinihintay dito! Halos mamuti ng yung mata ko!"

"Aba aba. Kung hindi ka kasi umalis ng maaga sa bahay at dun nalang magkwentuhan hindi ka sana nakaupo diyan na parang natatae o ewan na hindi maintindihan ang expression sa mukha!"

"Tsk. Kasi naman eh ... "

"Oh, anong drama yan?"

"Kasi, gusto kong manmanan si Mico. Gusto ko siyang makilala pa ng husto. Kasi, antahi-tahimik niya eh. Ang weird niya. Ang mysterious kumbaga. Minsan lang kung mag-joke. Pero tumatawa naman siya pag magbibiro ako. Pero kasi, ako lage nagsasalita pag magkasama kami. XD Yun nga lang, hindi rin siya nagkukwento tungkol sa sarili nya."

"Ehhhhh, bakit mo naman siya minamanmanan?! Aber?!"

"Ha? Ahh, wala lang. Gusto ko kasi siyang ... maging kaibigan? Oo, parang ganun na nga. He-he." ^___^

"Kaibigan nga lang ba? Ha? Ha?" HAHAHA. Feel ko kasi, hindi. As in HINDI talaga. ^____^v

"Hala hala siya oh?! Grabe ka tih. Basta yun na yun. Pero, secret muna natin ha! Kahit dun sa dakilang bespren mo na si Dylan wag mo munang sabihan yun ah! Di pa kami masyadong close. Hmp."

"Oo na, oo na. Eh pero, ano bang plano mo?"

"Di ko nga alam eh. Kaya nga kita tinawagan para tulungan ako eh!"

"Hmmm ... ah! Labas tayo mamayang uwian! Apat tayo nila Dylan at Mico!"

"Ha? Parang ... double date ?!" tss. shunga -,-

"Hindee ~ double date ka dyan. Hindi pa nga kayo eh. Hindi rin naman kami ni Dylan. Siguro pwedeng date, pero. FRIENDLY DATE. :))) "

"Hmmm, good idea. May naitatago ka pa palang talino diyan sa brainlalu mo ha! Sabeee ?!"

"Baliw. -______- O, siya sige. Ikaw na bahala mag-yaya kay Mico ha? Ok lang sayo?"

"Ne~ ! (Yes!)"

"Okay, good. Ako naman kay Dylan. Magmeet na lang siguro tayo mamaya sa canteen ha."

"Okie dokie! Gomawo~"

**

Malapit na mag-uwian kaya hinanda ko na yung gamit ko kahit naglelesson pa teacher namin. Hinihintay ko na lang mag-bell. Kaya habang naghihintay ako, inisip ko na rin kung saan kami pupunta mamaya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 24, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Friendship or Love? ( O N - G O I N G )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon