Chapter 1:
Brooke's POV
Alam niyo ba kung nasan ako ngayon? Siyempre hindi kasi wala pa akong sinabi.
Well, nandito lang naman ako sa library. Bakit? Of course para magsoundtrip, di ako mahilig magbasa eh. Oo, hindi talaga. Nagbabasa lang ako kapag kelangan lang gaya ng may long quiz o exam. Oh diba? Napaka-responsible kong estudyante.
"Hi miss, pwede magtanong?"
Ako ba kinakausap niya? ( tingin sa kanan. . tingin sa kaliwa. . . ) Ako nga ata. Bobo, nakaharap nga sayo yung tao para kausapin ka diba? Bobo mo talaga. Kaya lagi kang zero eh, BOBO.
"Miss pwede magtanong?"
Nagtatanong ka na nga diba? Isa ka pa, bobo rin. Kanino ka ba nagmana? Sakin? Naku wag ganun pare, nakakabadtrip ka.
"I don't talk to strangers."
Binigyan ko siya ng paki-alam-ko-sayo-look. Siguro naman gets niya yun.
"Hmp. Suplada naman nito."
At ayun, he left. Buti naman, nakakaistorbo na siya eh. Pinapakulo niya dugo ko. Eh sa gusto ko nga magsoundtrip ng walang istorbo, nakakaBV.
Neo's POV
Haaay, nakakapagod naman. Ang boring ng binabasa kong libro. Tapos ang iingay pa nung sa kabilang table.
"Miss pwede magtanong?"
"I don't talk to strangers."
Boom panes! Ang sakit nun ah. Pero tama lang yun, istorbo kasi. Yan ang napapala ng mga nang-iistorbo sa taong ayaw magpa-istorbo. Kaya kayo diyan, WAG KAYONG ISTORBO kahit kanino kung ayaw niyong mapahiya gaya ng loko.
TTTTTIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNGGGGG!!!
A/N: (Pasensya na po sa sound effects, yan lang keri namin XD)
Time na pala. Makaalis na nga.
BBBOOOOOOOOOOOOOOGGGSSSSSHHHH!
Aray! Ang sakit nun ah! Teka, sino ba tong nakabunggo ko?! -_-
Siya pala yung babae kanina, tss.
Brooke's POV
Aray naman! Walang hiya tong lalaking to, parang toro kung makabunggo. Sakit ng pwet ko!