MIKHAELA'S POV
"Opo ma, pauwe na po ako. Don't worry too much na po. I'll be there in 30 mins.Opo… okay po sige. Bye!"
Haay si Mommy talaga masyado nag aalala eh… alas syete palang naman ng gabi. At ang lapit lapit lang naman nitong mall sa bahay namin. Namimili kasi ako ngayon ng mga school supplies ko para bukas. Hahaha hindi naman ako masyado excited diba? Kung kailan naman konting oras ang nalalabi para sa pasukan, dun pa ako namili.
"Miss oh.. keep the change. Ay teka hindi, akin na pala yung sukli" nakangiting sabi ko sa cashier. Hehehe nakasimangot tuloy. Kinuha ko yung sukli at hinulog ko sa donation can sa gilid ng kahera para sa mga batang may sakit. Sabay baling ng ngiti kay miss casheir. Kala niya siguro kuripot ako. Hahaha ngumiti naman siya sa ginawa ko.
Papunta na ako sa sakayan ng jeep ng biglang kumulog. Naku! Maaabutan pa yata ako ng ulan. Dali-dali akong sumakay sa jeep.
Pag dating sa bahay...
"Naku, anak buti naman nakauwe kana buti hindi ka naabutan ng ulan"-mama
"Mama naman eh wala kayong bilib sakin?.. ako pa?! Tsk!"
Napakamot tuloy si mama sa batok. Nag ka pobya na kasi yan dahil nung nakaraan linggo ay na stranded ako ng dahil sa ulan. Inabot na ako ng madaling araw bago makauwe. Akala ko nga noon hindi na ako makakauwe eh. Buti nalang may magandang loob na nagpasakay sakin na may kotse.
*flashback
"Miss sakay kana, delikado sa mga babae ang inaabot ng madaling araw sa daan" sabi ni kuya na may hot car.
Naku? Sino naman to? Baka mamaya adik to at kung saan pa ako dalahin. Mahirap na. Uso pa naman yun ngayon.
"Naku kuya hindi na po marami naman po masasakyan diyan.. salamat nalang po". Tanggi ko sa kanya. Hmf nako kuya ha kahit na gwapo ka hindi kita pwedeng pagkatiwalaan. Mamaya kung ano pa gawin mo sakin hahaha..
"No, I insist. Kung maraming masasakyan bakit inabot ka na ng madaling araw at hindi kapa nakakauwe? Don't tell me gimikera ka?" -Kuyang gwapo
Nako mapilit to ah. Mukhang may masama yata talagang balak to sakin. At ako pa ang pinagisipan ng masama?. Loko to ah
"Excuse me kuya, hindi ako gimikera noh! Kita mo na ngang stranded sa daan eh. Pasensya na ayoko po talaga sumakay! Salamat nalang. Kung wala na kayong magandang sasabihin pwede umalis ka nalang okay?" Ayan inismiran ko na sya with matching taas ng kilay.
"I know what's on your mind baby girl antaray mo naman! Hindi ako masamang tao! Sa gwapo kong ito tingin mo ba gagahasain kita? Andami daming babae nagkakamdarapa sa ka gwapohan ko. Inaalala ko lang asfgsjzjjxnxji ko" -Kuyang gwapo
ano daw?.. aba at tinawag pa akong baby girl.
"Hoy kuyang gwapo na ubod ng kayabangan! wag mo nga akong matawag tawag na baby girl! Hindi kita boyfriend no! Haay nako masyado ka naman mayabang magkapimples ka sana ng madaming madami para hindi kana maging mayabang"
"Hindi eepekto yan sinasabi mo sakin. Antaray taray mo naman! Sorry baby girl but i have to do it." -Kuyang gwapo. Then nag snap siya ng finger niya.
"Teka anong gagwin mo.. at anong sinasabi…" nawalan na ako ng malay.
*End of flashback
Pag gising ko nasa bahay na ako nun. Kabado pa nga ako non dahil baka nawala na ang precious petals ko. Pero sinabihan naman ako ni mama na may nag magandang loob daw ang naghatid sakin dito sa bahay. Ang weird nga non dahil pano naman niya nalaman kung saan ako nakatira. At sa sinabi niya na hindi daw eepekto sa kanya ang sinasabi ko. May katok siguro yun. Sayang gwapo pa naman. Mayabang nga lang.
"Ma, si papa ba wala pa? Gutom na ako eh".. habang naghihimas ng chan kong kanina pa nagrereklamo..
"Nagtext na siya anak, malapit na daw siya hintayin nalang natin salgit. Halika tulungan mo muna ako maghain para pagdating ng papa mo kakain nalang tayo."-mama
Nang matapos na kami maghain sakto naman dumating si papa galing sa trabaho. Ayos to! Haha favorite ko ang ulam namin ngayon. Hipon!! Hahaha chibugan na.....
"Anak hinay hinay lang sa pagkain di ka kauubusan.. talaga tong anak ko napakatakaw" -papa
"Ancharap charap po kachi.. tsup" sabi ko habang nakain.
Nag iisang anak lang ako at hindi naman kami ganon kahirap. Average lang. Si papa nagtatrabaho bilang mekaniko sa isang company at si mama naman ay dito lang sa bahay.
"Oh anak maiba tayo, bukas simula na ng college life mo. Huwag ka magpapa influence sa mga magiging barkda mo ha lalo na kung bad influence. At wag na wag kang mag ku-curse o bubulong bulong ng kung ano ano kapag naiinis ka o may hindi ka nagugustuhan sa paligid mo. Masama yon!"-papa
"Yes naman po pa.. kabisado ko na po yan don't worry hehe excited na nga po ako eh"
"Oh siya basta tawagan mo kagad kami ng mama mo kung may problema ha?"-papa
"Opo naman po ^_^ hehehe.."
Matapos ang kainan ay pinaakyat na ako nila mama dito sa kwarto ko para daw di ako mahirapan gumising bukas. Kaya eto time to sleep na. Hehehe my favorite habit.
BINABASA MO ANG
NOT AN ORDINARY GIRL
RandomAno kaya ang mararamdaman mo kung isang araw lahat ng alam mo sa pagkatao mo ay mga pawang katotohanan lang? Paano kung pag gising mo iba na ang mundong meron ka? At ano kaya ang gagawin mo kung isang araw ay may malaking pagbabago sa sarili mo na k...