Chapter 3: Loving Father

17 2 0
                                    

GIOVAN'S P.O.V

Paakyat na ako sa kwarto ng bunso kong anak na si Mikha para gisingin siya. Susurpresahin ko kasi siya at ibibigay itong susi ng kotse na binili ko kahapon.

Pagdating ko sa kwarto niya binuksan ko ng bahagya para silipin kung gising na siya eh mukhang hindi maganda ang nakita ko..

Nakikita ko si Mikha na gumagawa ng mahika at pinapaayos nito ang gamit niya ng kusa.

Naku naman, kaya ayaw namin ipaalam sa kanya ang mga kakayahan niya para hindi siya maging ganyan katamad! Tinuruan na naman siguro to ni mommy sa panaginip niya. Antigas talaga ng ulo ng matandang yon.. Sinabi ko na ngang wag muna turuan ng kung ano ano si Mikha sa mga panaginip niya eh.. yan tuloy ginagawa na ng anak ko! Nakakainit ng ulo!..

Nakita kong takang taka siya habang pinapanuod ang mga gamit nito na nagaayos ng kusa at sinampal sampal pa ang sarili niya. Akala ata niya ay nananaginip parin siya. Tama! Kelangan magmukhang panaginip lang ang ginawa niya bago pa niya malaman kung ano ba ang mga hindi ordinaryong kaya niyang gawin

*Tingin sa target.. then snap the fingers..

Nakita ko naman na nawalan na siya ng malay. Haaay anak pasensya kana pero kelangan. Ayokong magaya ka sa mga kuya mo na lahat ay inaasa sa magic at ayoko rin mangyari ang kinakatakutan ko na pwede mong magawa.. 

Inayos ko ang pagkakahiga niya sa kama at tinawag si Flora para siya nalang ang gumising sa anak namin.

"Sige honey ako na ang bahala"-flora

Pagkatapos kong ipaliwanag kay flora ay bumaba muna ako at nagpalamig ng ulo..

"naku talaga mommy ankulit kulit mo!" Sabi ko sa harap ng salamin na lagusan para sa mansion namin. Bigla naman lumabas si mommy sa salamin

"Anak naman nag bonding lang kami mag lola at sa panaginip ko na nga lang nakakasama ang apo ko eh!" -Euphemia. Nakapout pa.

"Kahit na tingnan mo! Sa mga tinuturo mo inaasa niya na sa magic ang mga bagay na kaya naman niya gawin. Ayokong masanay siya na ginagawa yun" sabi ko naman. Tama nama diba

"Iho, kelangan na natin siya ihanda at sinasabihan ko naman siya na wag gagamitin sa masama ang mga tinuturo ko sa kanya eh"-Euphemia

"Malapit na ang birthday ng apo ko.. kelangan niya na malaman kung sino siya dahil kagaya ng napagusapan eh pag edad niya ng 16 ay makakasama na namin siya sa mundo natin" dagdag pa niya.

"Alam ko yun mom, pinaghahandaan na rin namin ng asawa ko ang tungkul diyan. Ayoko lang kasi na baka mamaya ay matulad siya sa mga kakambal niya! Kita mo yun pag galit eh halos buong mundo ay magdusa sa galit niya" Sabi ko naman.

Tama may kakambal si Mikha. Nung mga sanggol palang sila ay nakitaan na namin ang kambal ng pagkakaiba nila. Si Micheal ay masyadong spoiled kapag hindi nabibigay ang gusto at kapag nagwawala at nagagalit ay halos magkaron ng malaking delubyo sa mansion namin. Kaya napag desisyonan namin na ilayo si Mikha para hindi niya magaya ang kakambal niya. Napagusapan namin na hayaan muna namin si Mikha na mamuhay ng normal.At hindi lang iyon ang dahilan namin. Napapansin kasi namin na palagi silang hindi magkasundo at mahirap na baka humantong pa sa patayan. Kagaya ng nangyari sa kambal ng kapatid ko.

"Brokeen hearted lang naman siya nung nakaraan kaya nagkaron ng delubyo sa daan"-Euphemia

"Kahit na hindi sapat na dahilan yon, kita mo na muntik nang hindi makauwe ang bunso ko non sa kagagawan niya." Sabi ko kay Mommy. Si Michael ang may kagagawan ng stranded at malakas na ulan nung nakaraan linggo. Para daw hindi matuloy ang date ng ex-girlfriend niya dun sa lalakeng pinagpalit sa kanya.

"Buti na nga lang at andyan ang panganay ko na si Mico kung hindi eh inumaga na ng uwe ang bunso ko" dagdag ko pa..

"Basta kahit ano pang sabihin niyo naiinis ako sa ginawa niyo mom! Umalis na kayo pababa na si Mikha baka makita pa kayo!" Sabi ko at umakyat na sa taas.

"Mikha mag asikaso kana at sabay na tayo aalis ng bahay ihahatid na kita sa university mo". Pinutol ko ang usapan nila dahil pinipilit parin ng anak ko na totoo daw ang ginawa niya at hindi panaginip. Haaaayyyssss... Ayan tulot kung ano ano ang nadahilan ko. Sa ibang araw ko na nga lang ibibigay tong susi.

"Pa, galit ba kayo?"-Mikha

Napansin niya ata na mainit ang ulo ko.

"Hahaha ano ka ba naman anak naweweirdohan na kami sayo.. ano ba pinagsasabi mong bata ka tumayo kana diyan.. baka malate kapa.. honey pakipatay muna pala ang kalan at baka naluto na yung sopas na niluluto ko"-Flora

Tiningnan ako ng asawa ko ng

"Umayos-ka-halatang-galit-ka look" at bumaba nalang ako.

NOT AN ORDINARY GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon