Time

2 0 0
                                    

I'm John Seth David. 13 years old ako nung nalaman ko kung ano ang meaning ng love.

Baduy na baduy pa ko dun sa love na yun eh.

Bata pa lang ako, nun. 13 nga diba? May babae akong nakilala. Kasama ko na sya simula nung sinilang kami. Pero di ko alam na gusto ko na pala sya. Si Carla Belle Santos. Crush ko yun ng sobra.

Nung una parang wala lang eh. Syempre lalake ako, may mapadaan na maganda na type ko, dun ako titingin. May sexy na napadaan, lilingon ako sabay tingin sa bandang baba. O kaya naman makakita ng hinaharap, syempre di maiiwasang tumingin.

Lahat ng lalake may pagka-manyak. Makulit, maloko, baliw at lahat-lahat na.

Akala ko crush lang yung kay Carla. Pero hindi eh. Dalawang taon bago ko nalaman na gusto ko talaga sya. MAHAL KO NA SYA.

15 years old na ko nun. Una akong nagka-girlfriend, dose lang ako. Sabi ko sakanya nun, mahal ko sya. Eh pero yun pala nagandahan lang ako. Maganda sya, sexy din. Kaya siguro nagustuhan ko.

Naka-ilang girlfriend na ko eh. Yung ibang ex ko nga, feeling nila niloko ko sila. Engot din eh. Pareho lang kaming naglaro. Feel nya naman na mahal nya ko? Eh wala pang isang buwan, kami na.

Hay, assuming minsan ang ibang mga babae.

Tumigil na lang ako ngayong 15 na ako. Nung nalaman ko kung ano nararamdaman ko kay Carla.

Simula nung bata pa kami, pupunta ako sa kabilang bahay para makipag-laro.

Ilang taon ang lumipas, pumupunta pa rin ako. This time, para naman mag-kwentuhan.

Hanggang sa araw-araw ako nagpupunta para sa gadgets, harutan, kainan at kung anu-ano pa.

Hanggang sa nag-18 na kami, gusto ko na sana umamin sakanya. Tapos liligawan ko para legal kami diba? Legal age, tapos approval ng parents.

Pero dakilang torpe at gago ako. Di ko nagawa. Pero araw-araw pa rin ako nagpupunta sa kabilang bahay para sakanya. Para makita si Carla araw-araw.

19 na ko, hindi pa ko umaamin. Minsan nga, parang sasabog na lang ako eh. Kasi parang ang hirap magtago ng nararamdaman mo. Parang nag-o-overflow na pero sinasalo mo pa rin.

22 na ako. Kahit busy na busy na ko sa pag-aaral ko, pati sa trabaho ko, araw-araw pa rin ako pumupunta sakanila. Minsan di ako natutulog para gawin yung assignments, projects saka kung anu-ano pang pinapagawa samin para wala na kong gagawin at pupunta na lang ako sa kabilang bahay at tutulungan ko si Carla kung sya naman ang busy.

Minsan nga, inaya ko syang lumabas. Sakanya, friend date lang daw yun. Pero sakin? Yun ang pinaka-masayang araw sa buong buhay ko.

Kung ganun na lang sana kami. Totally friendzoned na yata ako eh? Pano kaya kung umamin ako sakanya nung 18 pa lang kami? Pano kaya kung naglakas lang ako ng loob? Diba?

So much time, wasted. Biruin mo? San ka pa sa 22 years na pagmamahal ko diba?

24 na ko ngayon. Kung busy ako dati, mas busy ako ngayon.

Kung dati, araw-araw kong nabibisita si Carla, ngayon hindi mo na mabilang yung mga araw na wala ako dun.

Timing is such a gigantic pain in the ass. It could have been so different.

One day, bumisita ako sakanila dahil may free time na ko sa wakas. Ilang oras lang yun pero ayos na. Makita ko lang si Carla.

Tuwang tuwa syang nakita ako. Ako rin naman ganun. Sobrang saya ko dahil nakita ko na ulit sya.

"John, may ipapakilala pala ako sayo." Tuwang tuwang sabi nya at hinila ako sa likod ng bahay nila.

"John, si Gerry oh. Boyfriend ko."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 07, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon