blue one..

17 3 0
                                    

Yo guys!! Cnxa n tagal ng ud q!!and maikli lang to bawi nalang next time..
Enjoy reading!!

**************

Blue one!

Yukiro
           pov..'

Halos kalahati ng kastilyo ang nasunog gawa ng kapangyarihang umalpas sa aking apo..,,

At dahil sa nangyari walang nakakita sa pagbabago ng itsura ni akira

Dahil sa kanyang kapangyarihang lumabas nagbago ang kulay itim nyang buhok naging asul kasabay ng kulay ng kanyang mata na dating kulay itim na ngayon ay naging kulay asul na pagtumitig ay walang buhay..

Ang alam ng mga tao nawawala ang prinsesa o kaya ay namatay na gawa ng pagkakasunog ng kanyang katawan noong ginawa ang ritwal..

Sa ngayon kami lang at taga palasyo na mga tapat na tagasunod ng hari ang nakakaalam na buhay pa ang nag iisang prinsesa ng kaharian..,ngunit malayong malayo na ito sa kanyang ugali noon.., halos hindi na nagsasalita parang sumusunod nalang sa agos ng panahon., at yun ang inaalala ko dahil sa gawi at kilos nya parang may nag aambang panganib na mangyayari kaninuman.,,

-------

Dito na rin kami sa kastilyo naninirahan ngunit malayo na sa tunay na anyo dahil mahigit isang taon na rin ang nakalipas simula ng mangyari ang trahedyang yun.
Ay hindi ito pinagalaw o pinalilinis ni laime lalo na ang lugar kung san namatay ang kanyang mga magulang at kapatid , naging parang hunted castle na tuloy kung tingnan mula sa labas ang naturang palasyo..

Mga malalamlam na ilaw nalang ang tanging gamit namin para makita ang bawat isa.,ni pagngiti ay di namin magawa parang nakikipagsimpatya kami lahat sa pagluluksa na hanggang ngayon ay nararamdaman ni akira.

_____

Third person
          pov...'

Isang di inaasahang bisita ang dumalaw sa palasyo.,

"Magandang umaga po lolo, ikinalulungkot ko po ang nanggyari nagyon ko lamang nalaman sapagkat kakauwi ko palang kahapon galing sa isang digmaan." Saad ni prinsepe Kent.

"Magandang umaga naman iho, kaibigan ka ba ng apo ko.?" Lolo said.

"Ah! Opo ako po pala si kent aquellis kortlei matalik ko pong kaibigan si akihiro, di ko man lang natulungan ang kaibigan ko ipagpaumanhin nyo po lolo.."

"Ok na ang lahat wag kang mag alala wala kang kasalanan sa nangyari di natin ginusto un ,, kaya sana tanging paki usap ko lang wag mo na sanang ungkatin pa ang trhedyang yun.., dahil binaon na namin yun sa limot." Mahabang pahayag ng matanda.

"Sige po kung yan ang kagustuhan mo po lolo kahit masakit gagawin ko po., gusto ko man ungkatin at bigyan ng hustisya ang nangyari ay kayo po ang masusunod." Sagot naman ni Kent..

Pero lingid sa kaalaman ng binatang prinsepe ay mabigat na ipinagbabawal sa loob ng palasyo ang pag ungkat sa trahedyang nangyari ng nakalipas na isang taon., kahit anung kaugnayan sa pangyayaring yun ay mahigpit na ipinagbabawal,kahit banggitin man lang ang mga pangalan ng mga yumao,, dahil oras na lumabag sa kautusang yun ay katumbas nun ang sarili mong buhay..

At lingid sa kaalaman ng dalawa isang anino ang nakarinig sa kanilang usapan..
Isang anino na halos maabo ang kinatatayuan dahil sa poot na bumabalik galing ng nakaraan..

______

Prince aquellis
            pov...'

Matapos namin mag usap ni lolo naglibot libot muna ako sa palasyo, malayo na sa totoong itsura nito mula sa dati ,, bakit kaya di nila ayusin at ibalik sa dati, magagawan naman to ng paraan eh..,,hihingi ako ng tulong sa mga kaibigan namin lalo na dun sa mga kaibigan ng tatlong yumaong prinsepe.

Sa totoo lang di ako naniniwala na wala na ang kaibigan ko.., pero magkaganun man bibigyan ko ng hustisya ang pagkawala nila kung totoo mang wala na sya..

Napatigil ako sa paglalakad ng makaramdam ng isang presensya na sobrang kakaiba nakakapanindig balahibo sa kaba..

Pinakiramdaman ko mabuti kung San nagmumula..

.......

"Sino ka?? Magpakita ka!!" Malakas kong sigaw.

"Kung anuman ang sadya mo sa lugar na to wag mo ng pakialaman ang mga bagay na wala namang kaugnayan sayo dahil ikapapahamak lang yan ng sarili mo..," anang isang nakakakilabot na tinig.

"Ano bang pinagsasabi mo?? Sino ka ba!??"

"Tss!!! Gaya ng sabi ko manahimik ka nalang at wag na wag ka nang aapak sa lugar na to mismo."

"Bat ba ayaw mong magpakita?? Matalik kong Kaibigan ang dating nakatira dito sa palasyo at may karapatan ako kung gusto ko man pumunta sa lugar na to.,, dahil dito din sa lugar na to nawala ang pinakamahalagang tao sa buhay ko kaya kung sino ka mang nilalang ka nagkakamali ka ng pinagbabantaan." Mahabang turan ko.

"Woossshhhh!!!!"

Isang nagbabagang kunai ang lumipad papunta sa kinatatayuan ko na mabilis kong iniwasan pero nadaplisan pa rin ako sa aking pisngi..,

Paglingon ko wala na ang preseya ng taong iyun.

"Sinu ang hinahanap mo iho!?" Tanong ni lolo sakin

"Wala po parang may naradaman po kasi akong tao kanina." Tugon ko

"Ganun ba! Maari bang wag ka ng pumunta sa lugar nato mahigpit ko kc na ipinagbabawal na may pumunta dito dahil napakaimportante ng lugar na to., pero alam kong importante na din sayo ang lugar na to at kung maari lang pag pupunta ka dito siguraduhin mo na walang makakakita sayo kahit sino." Lolo

"At isa pa wag mong gagalawin kahit anung bagay o tatangkaing ibalik sa dati ang mga bagay ngayon na nakikita mo , nakikiusap ako sayo masyadong napamahal sakin kung anu man ang itsura ngayon ng palasyo., maari ba iho!?,, pwede kayo tumoloy dito ng mga kaibigan mo na alam kong kaibigan ng tatlong prinsepe,, pero tanging yun lang ang pakiusap ko!" Pahabol pang turan ni lolo bago tuluyang umalis.

Napatango nalang ako nang wala sa oras.
Hindi pa ata nakakamove on si lolo sabagay masakit naman talaga eh.! Lalo pa at buong pamilya nya pati mga apo ay nasama sa trahedya..wala na syang pamilya kung tutuusin..

"Gamutin mo na rin yan sugat mo nakakabawas ng kagwapuhan yan pag naring pilat yan!" Sabay hagis sakin ng bote ng gamot

"Geh po salamat!"

........

Ilang araw na kong namamalagi dito sa palasyo at sa tuwing pupunta ako dito sa dating pavilion kung San naganap ang napakasalimoot na pangyayaring yun ay laging may nauuna sakin dahil laging may asul at itim na mga rosas na nakalatag dito sa lugar ,, ngunit ang nakatawag ng pansin ko ay ang nag iisang rosas na kulay asul, at isang piraso ng itim na perlas??

★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★

A/n;;

Cnxa na puro lang kwento lang kwenta ahahaha!!!next time bugbugan na at mahaba haba na ang ud..

Gomennasai minasan!!
Arigatou!

               "Kinjoe warfreak"

Is she a princess?? (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon