Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte

Chapter 5

107K 4.3K 1.6K
                                    

Chapter 5


Padabog kong inalis ang tuwalya sa aking basang buhok, nakabusangot ang mukha kong humarap sa salamin, at nag-umpisa sa aking routine bago matulog. I just put moisturizer around my face and lip mask on my lips.

Bwisit talaga ang lalaking 'yon!

"Just kidding..." that was his punch line after what he said in the car, with a fucking cocky chuckle that sounded sweet and sleepy.

My cheeks heated so bad. Hindi ko hinayaang mabasag noon ang aking iritasyon kaya nanatili akong tuwid sa inuupuan habang tiim bagang na nakatingin sa harapan. My cheeks were burning my insides, ego, and embarrassment.

He chuckled sexily again. Huminto ang sasakyan sa gilid at doon ko pa lang napansin na nasa street na kami ng apartment building.

"Why do you look so disappointed?"

Kunot-noo ko siyang nilingon, inis pero straight face.

"Ano'ng pinapalabas mo? Disappointed ako na hindi mo ako type?" I raised my brow and opened the car door. "Asa ka!"

He laughed. Pagkababa ko ay bumaba rin siya sa kabila na tatawa-tawa. Inayos ko ang blouse na medyo nalukot sa pag-upo kanina at naglakad na patungo sa building, nilampasan siya roon.

"Aasa talaga ako, Ma'am!" He was laughing while saying that.

Padabog akong huminto sa paglalakad at nilingon siya sa likuran. He was standing beside his car while holding the door and his other hand was on the side waist.

"Feeling pogi ka talaga, 'no? Akala mo ba lahat magugustuhan ka?" iritado kong sambit.

Humupa ang tawa niya pero naroon pa rin ang ngisi. He wiggled his brows and pouted. Nang hindi siya magsalita at titigan lang ako ay tinalikuran ko na siya at umakyat sa ilang baitang ng hagdanan patungo sa gate ng building.

I hated his guts! Hindi porque guwapo nga siya ay magpi-feeling hawak na niya ang lahat ng apeksyon at atraksyon sa mundo. Bakit kaya ang yayabang ng mga taong biniyayaan ng itsura? Hindi ba puwedeng humble lang?

"We'll see that, Dacia Narelle Holgado!"

Pumikit ako nang mariin at pilit inaalis sa isip ang kanyang mga sinabi. Kung kaninang antok na antok ako-ngayon ay dilat na dilat. Nawala ang antok ko sa bwisit na iyon.

It shouldn't be a big deal for me because I knew that he's just using it to play around. Saka hello, isang araw pa nga lang kaming nagkasalamuha! I didn't even know him. I knew a little info about his laziness and love for the band but never his whole profile.

Malandi lang talaga siya, iyon ang katotohanan! Bakit niya sasabihin iyon sa taong kakakilala niya lang, 'di ba?

I spent the next days processing my papers to transfer to my new school in Batangas. Kulang pa ang requirements ko dahil naiwan pa sa school ko sa Cagayan iyong ibang kailangan kaya to follow na lang ang sinabi ko sa admission na pinagbigyan naman ako. I already passed their entrance exam, hindi naman mahirap iyon at may ilang interview tungkol sa akin. May back subjects din ako at irregular. Since nasa huling taon na ako ay mahirap nang maging regular student kapag transferee. Biglaan lang din naman kasi ang paglipat ko sa Batangas, hindi inaasahan.

I chose what Tanya and friends suggested me. I was going to Sinclair University this school year. It's not a bad school! Though, I didn't really care about what kind of school I was gonna be in. Mag-aaral lang naman ako, wala namang kinalaman iyon sa klase ng eskwelahan dahil nasa estudyante iyon kung magiging mabuti siyang mag-aaral o bulakbol.

Mainit ang sikat ng araw nang Huwebes na iyon at sumasabay pa ang ilang bagay na nagpapairita sa akin. Ate Den called me to say that Clint chatted her and asked my whereabouts. I can't believe that my sister entertained him!

Epicenter Tape #1: Eleventh HourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon