Chapter 2

29 1 0
                                    


2.

"This is life! Aaaaah.", I stretched my hands out as if touching the air. I'm feeling the sun while out on the beach.


I'm now in Camotes. A province in Cebu. Actually 2 nights na ako dito. My family owns a beach here kaya madalas din kami dito lalo na pag summer gaya ngayon.


Kakatapos ko lang mag breakfast. Naisipan kong magliwaliw. Kung hindi kasi sa pool ay sa rooftop lang ako ng beach house nagtatambay yesterday.


I'm wearing a white plain v-neck shirt tucked in a high waist tattered denim shorts, slippers, and a sunglass because it's scorching hot! I'm walking with a professional camera on hand, it's sling on my neck, capturing the beauty of the place with the camera while enjoying the view.


Then, I started thinking again. It's the 3rd day since the incident at the airport.


Hindi na talaga ako maka get-over sa nangyaring yun! My God! Kaya rin di ko na pinatulan yung mga yun kasi di naman mga pinoy eh. Kahit na marunong ako mag-ingles, eh inis na inis ako nung time na yun kaya mas komportable naman ako sa tagalog. Lalo na't inis ako nun. Eh kung hindi rin lang nila ako maintindihan, baka nagmukha pa akong baliw. Haist. Kalma girl.


Saka proud akong pinoy naman noh! Pure Filipino ata ako as I know of. Well, yung Lolo ko yata from my Mother's side ay may lahing Spanish. May pagka singkit ang ibang kapatid and cousins ko. Ako kasi malaki ang mata! Well, not that big but compared to my sisters, I'm not singkit!


Infairness din ay maganda ang skin namin kahit di alagang lotion. Paano ko nasabi? Kasi even if I'm using lotion since baby pa ako, yung bunso naman namin ay hindi gumagamit nun. Hate nya daw pero siya parin pinakamaganda ang skin at face sa amin! Huwag nga lang masabihan ng ganun kapag kausap na kasi mas lalong humahambog.


Anyway, all the surnames din that I have listed mula sa Nanay ng Nanay ng Nanay ko, Tatay ng Tatay ng Nanay ko parin, Tatay ng Nanay ng Nanay ko parin, at ang Nanay ng Tatay ng Nanay ko parin ay purong mga pang pinoy. May spanish din siguro pero common na rin kung baga, at least sa bayan na kinalakihan ko.


Sa side naman ng Father ko, I'm ninety-nine point nine percent sure Filipino talaga ang mga ninuno namin. Sa ilong palang, sa skin complexion, sa mata, at sa height ay pinoy na pinoy! Hahah! Not being judgemental ah, just stating a fact here. Besides, Father ko yun! I love him and my Lolo and Lola, Aunts and Uncles!


But I'm actually really thankful na marami kaming namana sa side ni Mama. Except sa height and eyes ko! Ako lang ang nakakuha ng pagkamaliit ng pamilya ng Father ko. I'm five flat in height. Yes flat, walang labis pero kulang na kulang!


I think I was fifteen when my height stopped chasing my sisters and brothers' heights. I'm twenty now. Pero thankful parin ako. I look great my own way! I love myself.So yeah! I just introduced myself.


As I was thinking earlier, mabalik tayo. It's the third day already at kada maaalala ko yun ay mas lalo akong naiinis sa nangyari.


Mga naka-mask. Hmmm. Baka celebrities yun! Pag nagkataon buti nalang pala di ako nag-eskandalo. Iba pa naman na ang panahon ngayon. Lahat nagiging instant sikat. Pero siguro naman hindi. Baka mga feeling lang.

Not Your Ordinary GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon