Walong letra, pero maraming kahulugan
Una na don kung bat mo ko iniwan
Kung bat mo ko pinabayaan
Yan ba ang depinsyon mo ng salitang pagmamhalan? Kasi para sakin mali, mali na akoy iyong saktan
Oo inaamin ko di ako kagandahan
Pero bakit ako, ang napili mong saktan?
E wala naman akong ibang ginawa kundi mahalin ka ng lubusan
Tama ako diba?
Bakit ako? Nagmamhal lang naman ako?
Bakit ako ang napiling saktan mo?
Bakit ako? Ako na babaeng handang gawin lahat para sayo?
Kala ko ba walang iwanan?
Pero bakit ikaw unang lumisan?
Mahal ganon ba ko kabait para paulit ulit mong saktan?
Bagay ba ako para iyong paglaruan?
Dahil wala akong maisip na dahilan para akoy iyong lokohin at iwan
Hindi naman ako si basha para bigyan ka ng maraming chance
Ganon ba ko katanga pagdating sayo? O ikaw ang tanga dahil pinagpalit mo ako?
Wala, wala nakong magagawa masaya ka na diba?
Sige, magpaksaya ka dahil pag ako nakabangon sisiguraduhin kong wala ka ng babalikan pa.