Tagu-taguan maliwanag ang buwan
pagbilang ko ng sampu dapat nakatago ka na
Magtago ka na! Yung tipong hindi ka na mahahagip ng aking mga mata!
Magtago ka lang at wag ng magpakita pa!
Dahil baka sa oras na makita pa kita
mabigyan nanaman ako ng tyansa,
tyansa na may pag-asa pa tayong dalawa.Sige! Magbibigay ako ng dahilan kung bakit kailangan mong lumayo...
Isa: dahil isang malambing mong galaw ay nabibigyan ko agad ng malisya, isang pangangamusta galing sa iyo
ay sobrang lakas ng epekto sa aking puso.Dalawa: Ang iyong dalawang nagniningningang mga mata ng sa tuwing tumitingin sa akin
ay waring nangungusap na nagbibigay sa akin ng pag-asa pero wala naman talagang tyansa.Tatlo: Tatlong mga salita na hinihintay kong marinig
ngunit kahit kailan ay hindi mo sinambit
at kaylan man hindi namutawi sa iyong bibig.
Kumikirot ang puso
ngunit nagpupumilit parin ako.Apat: Apat na letra isang salita
na naiisip ko na pwede nating maging tawagan o sa ingles ay "call sign"
hanggang pagpapantasya na nga lang ba?
B.A.B.E
endearment sana nating dalawa ngunit sadyang mahirap ng umasa
hanggang kelan pa ba magpapakatanga?Lima: Lima o higit pang milya ang distanya,
ang distansya na namamagitan sa ating dalawa.
Gusto ko mang takbuhin,gusto kitang habulin, gusto kitang abutin ngunit saan naman kita tutuntunin?
Gusto kong ilakad ang mga paa, gusto kong maabutan kita
Pero para saan pa?
Kung ikaw na mismo ang gumagawa ng paraan para hindi na ako makalapit pa.Anim: Anim na letra dalawang salita
Lagi kong naririnig,
laging sinasabi sa akin ng mga taong nakapaligid sa akin.
Gusto man kitang ipaglaban ngunit lahat sila ay sinisigaw sa akin na TAMA NA!Pito: Pitong letra! Sige! Ako'y AAYAW NA!! Ako'y pagod na
upos na upos na ako
Hirap na hirap ngunit ako ay sadyang marupok kaya nung sinabi mo ang katagangI NEED YOU
Walong letra, ngunit ito ang nakapagbago sa desisyon ko!
Agad-agad tumakbo papunta sa'yo
at nasabi ko nalang sa sarili ko na hindi ko kayang mawala sa akin ang taong ito,
hindi ko hahayaan gagawin ko kahit ano pang paraan! gagawin at susubukan!Siyam; Siyam na hakabang ko papunta sa'yo at talagang binilang ko ito
upang maipaalaala ko manlang ang sarili ko
na sa oras na makapunta ako sayo
maihanda ko na ang sarili ko saSAMPUNG letrang sasabihin mo sa akin, na sobrang nakakasakit sa aking damdamin at tuluyan mo na ngang sinambit
"BEST FRIEND salamat at dumating ka ngayong kailangan kita"
Masakit man pero pilit kong tatanggapin
Sige lang! Kapit lang sa patalim! Hanggang sa magdugo at hayang mamanhid ng hindi na makaramdam ng sakit.💔