Kabanata 06

8.2K 248 26
                                    

Kabanata 06

Napaluha siya ng marinig niya kay liam ang pangalan ng dating girlfriend nito. Hindi naman talaga siya tulog nakapikit lang siya pero ng malanghap niya ang pabango ni kley alam niyang ito ang pumasok.Kaya nagkunwari siyang natutulog.

Kaya ba ito nagsosorry sa kanya dahil bumalik na ang babaeng mahal nito at gagawin na nito ang tama. Iiwan na ba siya nito.

Biglang naninikip ang puso niya.
Sobrang sakit ang nararamdaman niya ngayon.

Ang tanga naman kasi niya bakit pa kasi si kley ang minahal niya. Bakit hindi nalang sa iba..

Ano na ang gagawin niya if iiwan na siya ni liam. Hindi niya siguro kaya pero iyun naman dapat na tama noong una palang.

Napangiti siya ng mapait.

Tama na plea. Wag ka nang umasa na mahalin ka rin ng asawa mo..sabi niya sa sarili niya.

Biglang bumukas ang pintuan at pumasok ulit si kley. Kita nito na umiiyak siya.

Mabilis na nilapitan siya nito..

"Are you okey?"nag alalang tanong nito sa kanya. "Masakit pa ba? Mahapdi pa ba?? Gusto mo bang tawagan ko ulit si pleasure.."sunod sunod na tanong nito.

Umiling siya.

"H-hindi.."sabi niya.

"What?"sabi ulit nito.

Himinga siya ng malalalim para makapagsalita siya ng maayos..

"H-hindi na. Okey lang ako.."sabi niya dito..

"Kong ganun bakit ka umiiyak?"tanong nito.

Dahil bumalik na siya at iiwan mo na ako..

Yun ang gusto niyang sabihin pero pinigilan niya ang sarili niya.

"N-namimiss ko lang si mom at dad."sabi niya dito.

Nakita niyang nakahinga ito ng maluwag..

Nagulat siya ng yakapin siya nito..

"Thanks god you're okey. Im sorry plea.."sabi nito. Kaya napaiyak ulit siya..

Naninikip ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Mabait ba ito ngayon dahil talagang iiwan na siya nito..

"Shhh...dadalawin natin si mom at dad."sabi ulit nito. Iyak parin siya ng iyak at niyakap ko rin ito ng mahigpit.

Hindi niya kayang mawala ito sa kanya pero ano ang gagawin niya.....hindi siya nito mahal...

"Gusto mo bang kumain?"tanong nito na nakayap parin siya dito. Ayaw niyang tanggalin ang pagyakap niya dito. Baka iyun na ang huli niyang mayakap ang kanyang asawa.

Umiling siya kahit nakasubsub ang ulo niya sa dibdib nito..

"Sige magpahinga ka muna.."sabi nito tatangalin na sana nito ang pagyayakap nila ng mas mahigpit na niyakap ko iyun.

"P-pwede bang dito ka muna.."mahinang sabi niya. Alam naman niya hindi papayag ito dahil kapag nagsesex sila hindi siya nito tinatabihan sa pagtulog umaalis agad ito..

Tinanggal nito ang pagyakap niya dito.

Biglang naninikip ang dibdib niya. Bakit pa siya umaasa na papayag ito.

Ngumiti nalang siya ng pilit kahit gusto niyang umiyak ulit.

Pinahiga siya nito at nagulat siya ng huniga rin ito sa tabi niya at niyakap siya nito ngahigpit..

"Matulog kana nandito lang ako. Hindi kita iiwan.."sabi nito at hinalikan siya nito sa noo.

Hindi siya makapaniwala sa nangyayari..

#4 FUCKING WOMENs 04: KLEY LIAM STEWARD✔️✔️✔️✔️ (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon