Sulitin

19 1 7
                                    

Lahat ng bagay, may katapusan
Lahat ng tao, may hinihintay na kamatayan
Kaya ang hirap isipin na isang araw may lilisan
Na isang araw, ikaw ay maiiwan
Minsan naiisip ko, hanggang kailan Kaya ako dito sa Mundo
Hanggang kailan Kaya tatagal Ang buhay ko
Oh hanggang kailan ko Kaya makakasama Ang pamilya ko
Iniisip ko Kung masusuklian ko ba Ang lahat ng sakripisyo ng magulang ko
Kung maibibigay ko ba sa kanila Ang magiging  sweldo ko
Ang sakit isipin na mawawala sila
Ang sakit isipin na isang araw mawawala nalang Sila ng parang bula
Nitong mga nakaraang araw
Nakikita ko Kung paano na nahihirapan sina lolot Lola
Nagbibiro pa nga Sila tungkol sa Kung anong mararamdaman namin sa oras na sila at mawala
At doon ko naitanong sa aking sarili
Sapat na ba Ang pagmamahal naipakita ko?
Ang sakit isipin na ang taong pinakamamahal mo ay iiwan ka
Na Yung mga taong palagi mong nakakasama ay bigla nalang mawawala
Na isang araw Hindi mo na sila makikita
Isang araw Hindi mo na sila makakasama
Ni anino nila ay Hindi mo makikita
Isang araw Hindi mo na Sila makakausap
Hindi mo na maririnig Ang boses nila
Hindi mo na Sila mayayakap tulad ng nakagawian no
Hindi mo na Sila masasabihan ng iloveyou
Isang araw mag Isa ka nalang
Sa Sala na nakagawian mong Sila Ang kasama
Wala na Yung nagpapabunot ng buhok na kulay puti
Wala na Yung magpapakamot ng likod
Wala na Yung magpapahilot ng tuhod
Wala na Yung magtatanong tuwing linggo na " bagay ko ba?"
Ang sakit isipin
Ang sakit sakit
Kaya naman ipinangako ko sa aking sarili na simula ngayon Hindi na ako magpapasaway
Hindi ko na Sila susungitan
Palagi ko na silang sasamahan
At susulitin Ang mga oras na nariyan
Kaya namn Ang payo ko sa inyo
sulitin niyo na
Sulitin nyo na Ang mga araw na kasama niyo sila
Dahil dito sa mundong Ito
Dito sa mundong Ito walang Permanente
Lahat ng tao ay mawawala
Sulitin Mo na
Sulitin Mo na habang sila at nandirito pa.

SPOKEN WORD POETRYWhere stories live. Discover now