Lahat tayo ay may mga pangarap sa buhay. Mga pangarap na nais nating marating pagdating ng araw. At bilang isang kabataan na maraming naiisip at maraming hinahangad ay tataasan ko na ang aking mga pangarap, kasabay non ang aking pagpupursigi at pagsisikap sa aking pag aaral.
Isang taon mula ngayon ay nakikita ko ang aking sarili na nagpupursigi sa pagtapos ng mga requirements dahil patapos na ang taon at akoy gagradutae na ng junior high school. Nakikita ko ang aking sarili na ginagawa ang lahat ng aking makakaya upang tapusin ang mga dapat tapusin. Praktis soon, praktis diro. Gawa ng research doon, gawa ng speech dito. Gastos doon, gastos dito. Puyat doon, puyat dito
Pero kahit ganon, kahit lumusog man ang eyebags ko at mapagod ang utak ko, hinding Hindi ko susukuan ang pag aaral ko. At sa wakas, nakikita ko ang aking sariling hawak ang isang diploma at nakasuot ng mga medalya, handang sabihin na "Sa wakas! Malapit ko nang maabot ang mga pangarap ko. Dalawang taon pa, dalawang taon pa at magkokolehiyo na ako"Limang taon mula ngayon, nakikita ko na mas mahirap na ang tatahakin ko. Mamumulat na ako sa reyalidad ng buhay, na hindi sa lahat ng oras ay masaya ka, hindi sa lahat ng oras ay makakahinga ka ng maluwag, dahil dito sa oras na ito, ito ang oras Kung kailan ako haharap sa maraming pagsubok.
Nakikita ko ang sarili ko na pinapasukan ang kursong nais ng puso ko. Ang pag iinhenyero. Nakikita ko ang sarili Kong nagsusumikap, nahihirapan sa ilang mga asignatura, umiiyak sa sa mga failing grades at butas ang bulsa, dahil iyon ang buhay ng isang kolehiyana. Pero kahit na ganon, pagbubutihan ko ang aking pag aaral, dahil itoy para sa aking mga magulang at sa aking kinabukasan.Sampung taon naman mula ngayon ay nakikita ko ang aking sariling may malaking ngiti sa labi. Maaliwalas na mukha at may ngiting tagumpay. Nakikita ko ang aking sariling nakasuot ng pormal na damit at nasa opisina para planuhin ang mga nakalaang proyekto para sa akin. Sa wakas! Isa na akong Enhinyero! Hindi na ako umaasa sa mga magulang ko, bagkus, sila na ang tinutulungan ko. Maibabalik ko na lahat ng kanilang mga paghihirap. Masusuklian ko na ang kanilang mga sakripisyo at maipaparanas ko na sa kanila ang kaginhawaan ng buhay. Maraming pagsubok man ang pagdaraanan ko, hindi ako susuko, dahil alam Kong laging may naka alalay sa akin, nariyan ang aking mga magulang, kapatid, kaibigan, at higit sa lahat, ang makapangyarihang may kapal.
YOU ARE READING
SPOKEN WORD POETRY
RastgeleThese are my spoken poetries. Hope you like it! Daragdagan ko pa to! Promise