Paulit-ulit na Gabi

0 0 0
                                    

Ako yung sarili kong pilit kong inaaliw
Pilit kong pinipilit gumiliw
Takot akong tumakbo sa dilim
Wari ko ba kanina ay takipsilim

Ngunit kasing bilis ng paggabi
Ang kahapong aking pinili
Kelan ko ba masasabi?
Kelan nga ba sarili?

Yung paulit-ulit na senaryo
Ang pilit na pilit na gawing totoo
Pano na tayo? Tinanong ako
Sarili ko na hindi ko masagot

Wala palang tayo sa sirkula ng mundo
Baka meron ngunit hindi lang talaga tayo para sa isa't isa
Pilit na iniisa-isa, walang bawang at sibuyan para muling igisa

Ang nagsimulang pasarapin ang relasyon nating dalawa
Na paulit ulit na lnghapin ay kay tibay na nga ba
Ngunit sa pagpatak na asin at paminta

Umulit ang gabing bawal palang kumain
Wag damihan, wag tulugan
Kahit ipilit ang pinipilit
Katulad ng tayong walang ng isisingit

Maling mali ang kombinasyong minsan ko ng naisip
Maling mali ang tao na minsan ko ng nilakip
Ngunit paulit-ulit sa gabi na hindi makatulog
Isang bagabag sa isip na para bang kulog.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 27, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Tula ko Para SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon