"Goodmorning baby wake up"
nagising ako sa isang malambing na boses ni mommy."Wake up na my baby pupunta pa tayo sa favorite mong place diba?"bigkas ni mommy tumayo ako para maligo at magbihis
Pumunta kami sa isang lugar kung saan madalas namin puntahan sabi ni mommy favorite place ko daw to, umupo kami saglit para mag pahinga medyo malayo den kasi ang nilakad namin para makarating dito.
naglalakad kami ni mommy ng bigla syang sumuka ng dugo nagulat akong nakatingin sa kanya pero naka ngiti lang saakin si mommy
"Wag ka mag aalala anak okay lang si mommy" bigkas ni mommy habang naka ngiti saakin.
Nag patuloy kami ni mommy sa paglalakad pabalik sa bahay namin agad akong umakyat sa kwarto.
Pababa na sana ko ng narinig ko ang usapan ni mommy at ni auntie
"Ate ikaw na bahala kay christina malala nako ate at hindi ko na din kaya ang sakit ko" bilin ni mommy kay auntieUmiiyak akong bumalik sa kwarto ko naguguluhan ako hindi ko maiintindihan kung anong ibig sabihin ni mommy iiwan naba nya ko?
Bumalik ako sa hagdaan at nakita ako ni mommy na sumisilip
"Christina anak halika dito"tawag ni mommy sa akin naka higa siya sa sofa namin at agad akong lumapit sa kanya
"Anak mag papakabait ka ha mahal na mahal ka ni mommy"umiiyak si mommy na sinabi ito at bigla nya akong niyakap naiiyak den ako hindi ko alam kung bakit tumutulo ang mga luha ko.
Binalik ko ang tingin ko kay mommy nakapikit sya na tila natutulog lang ang hindi ko alam iniwan nya na pala ako.
After 10 years
"Christina gumising kana papasok ka pa diba" gising sa akin ni tita
Si tita ang nag alaga sakin dahil sabi ni mommy sya na ang mag aalaga sa akin tinuring ako ni tita na para anak sila ni tito isa lang kasi ang anak nila at madalang lang itong umuwi dito dahil sa lola namin sya nakatira malapit kasi doon yung school nya.
Dahil hindi rin ganon kayaman sila auntie o mama sinubukan kong mag trabaho na rin para hindi na rin maging pabigat sa kanila.Ayaw nila akong payagan pero gusto ko kaya pumayag na din sila
___________________________
18th birtday ko na walang ganap dahil na den sa walang pera hehe okay na yung ganon atleast nag 18 ako ng malusog at maganda hehe jokePauwi nako galing trabaho
"Surprise"
sigaw nila mama at papa kasama mga kaibigan ko
Umiiyak akong lumapit sa kanila
"Ano ba naman kayo nag abala pa kayooo" umiiyak na sagot ko"Ano ka ba tin minsan lang to oh tyka dapat lang sayo to kasi masipag ka,napaka buti mong anak sa amin"biglang sabi ni mama at bigla akong niyakap
"Salamat sa inyo esp kay mama at papa tyka sa inyong lahat akala ko talaga walang ganap e hindi ako nag expect na may paganito pala kayo" huhuhu hindi ko mapigilan ang pag iyak ko
___________________________
Lumayo muna ko kila mama at papa para makapag aral ng college wala kasing malapit na college sa amin kaya pumunta ako dito sa maynila.