Nandito ako sa school ngayon dahil last day na namin ito at magbabakasyon na, sobrang nakakalungkot lang isipin na magtatapos na agad kami dito kung kailan magkakaclose na kaming lahat natigil ako sa pagiisip ng mga bagay ng nagyayang maglaro si carmen ng paborito naming laro
"Oy tutal last day natin ngayon maglaro tayo ng silent killer!" masiglang sabi ni carmen
Pumayag naman ang lahat kaya pumuwesto na kami at gumawa na sila ng palabunutan para saamin. Ang silent killer na laro ay napakasaya ito ay binubuo ng isang doctor, isang police at isang killer at mga civillian, dito sa laro na 'to ay kailangang mahuli ng police ang killer para ito ay hindi na makapatay ng iba pang mga sibilyan
"Game, bunutan tayo ha! tapos walang magbibiro na kindat ng kindat hindi naman siya killer parang tanga!" sigaw ni lorie
"oo na HAHAHA" pilyong sagot ni danny
binato na ni lorie ang palabunutan at kung minamalas nga naman ako napunta saakin ang papel na may nakasulat na killer at ibig sabihin no'n may chance akong manalo or matalo.
Kainis naman ih! mamaya matalo ako tapos may ipagawa sila sa'kin huhuhu ummune na ako sakanilaaaa!
"Okay 1, 2,3 gameeeee!" sigaw ng lahat
Palipat lipat ang tingin ko sa kanilang lahat at nakakatawa sila dahil nakatingin din sila sa'kin para bang alam nila na ako ang killer
"Bakit kayo sa'kin lahat nakatingin? mukha ba akong killer haaaaa?" tumatawang saad ko sakanila at tumawa naman silang lahat
Nilingon ko si danny at mabilis na kinindatan to, sunod si karen at iba pa. napatigil ako ng biglang nagsalita si Lorie
"You're under arrest Jane"
"hala! anubayaaaan e dapat pala kinindatan na kita yawa!"
"sorry ka nilaktawan mo ako e HAHHAHA balakajan!"
tumawa naman ako at bumunot sa ginawa nila para naman daw may thrill, sa bunutan merong mga papel at doon pipili, at kung malas ako kanina mas malas ako ngayon dahil ang nabunot ko ay 'Truth and Dare'
"ano nabunot mo?" tanong ni nadia
"Truth and Dare" at tinarayan siya
Alam ko na ang mga tingin nilang 'yan! for sure may binabalak nanaman sila huhuhuhu bakit kasi gan'tooooo!
mas lalo akong kinabahan ng narinig ko ang tanong nila para sa truth na iyo walangya naman ih!
"May gusto ka ba kay gino?"
matagal bago ako nakasagot ng "oo" sa tanong niya dahil baka marinig ito ni gino na tahimik sa gilid
"Pwes ito ang dare, Lumapit ka kay gino at sabihin mo na matagal mo na siyang crush" hindi ako nakagalaw dahil sa sinabi nila na yon
"Ann naman ihhhhh! bakit ka ganyaaaan! pwede iba nalang huhu pleaseeeee?" pag papaawa ko dito pero para bang wala siyang narinig kaya wala na akong nagawa at dahan dahang lumapit kay gino, tinignan ko naman sila at ayan ang piste na mga tingin nila sa'kin
"Go janeeee kaya mo yan! yieeeeeee!" malakas na sigaw ni Nadia para mapatingin saamin si gino at ito na nga kinakabahan na ako ng todo huhuhu gabayan mo po akooooo!
"G-gino hi hehe, ano kasi e gusto kita matagal na!" mabilis na sabi ko at babalik na sana sa pwesto ko ng narinig ko ang sinabi niya na siyang nagpatigil sa'kin
"Gusto din kita matagal na jane, payag ka bang ligawan kita?"
at dahil don ay naghiyawan ako mga kaklase ko
"Yieeeeee taray naman pala no'n tih!"
"lah sana all huhu gusto ng gusto nilaaaaa"
"Yes bro! galeng mo"
at dahil sa sobrang kilig ay hindi agad ako nakapagsalita.
grabe totoo ba talaga toooooo? omg! yung gusto ko gusto ako huhuhu
humarap ako kay gino at sinabing " oo payag ako!" at niyakap niya ako
At simula sa araw na 'yon paborito ko ng laro ang 'Silent Killer'
The End.