Prologue

3 0 0
                                    


"Naila!" Nilingon ko ang taong tumawag sakin sa canteen. Pati ang mga tao sa canteen napalingon din dahil sa lakas ng boses nito. It's just my childhood best friend, si Frankie. Nasa Grade 10 na kami at maingay padin siya. She wrapped her arms around my right arm at ngumisi sakin.

"Ano na naman?" I lazily asked. Then, she showed her puppy dog eyes and pouted. Binatukan ko siya kasi ang kadiri. Napa-ow naman siya. "Di bagay sa'yo. Ano nga?" I giggled.

"Ano kasi... ehe... Pwede pakopya ng Filipino assignment mo?" I rolled my eyes. "Sige na! Please? Last na 'to. Pramis." Yung mga kamay niya mukhang nag-pray. Natatawa ako kasi mukha siyang gaga dito.

"Oo na. Kuha mo nalang sa locker ko." Binigay ko sa kanya ang susi sa locker ko at humalakhak ako dahil para siyang nakakita ng liwanag. "OMG! Thanks talaga! Mwa mwa!" Hinalikan niya pa ako sa pisngi. I wiped it with my hand. "Wag! Baka may germs. Charot!" Biro ko. She hit me with her sparkly hand mirror. "Aray! Charot nga lang!"

Bumili siya ng dalawang burgers, isang ice cream drumstick, at orange juice. Pinilit pa nga ako nitong pumili kung anong gusto kong kainin kahit di ko gustong kumain pero sabi niya libre nalang daw as payment para sa assignment kaya nagpalibre nalang ako ng baked siopao. "'Yun lang gusto mo?" Nag-react pa siya. "Di ako kagaya sa'yo na matakaw na parang pig!" Binatukan niya ako gamit ang hand mirror niya. Tumawa ako ng malakas kasi naasar na siya.

While we were eating, Frankie focused on someone. "Look oh!" Sabi niya sakin. I followed where she's looking at and I saw our classmate na si Ryker Isaac T. Montealvo. Masayahin, funny, at matalino. He's tall, moreno, gwapo, and girls just instantly fall. Well- except for me. He got looks, yeah but nakakatawa lang siya para sakin! Di ko lang talaga gets, nakakastress sa bangs!

Ryker saw us and waved at us then walked towards our table. I continued eating my baked siopao. "Hi, Frank!" Bati niya kay Frankie. Nag-hi din naman si Frankie sa kanya. "Hello, Nai!" Bumati siya sakin pero kain lang ako ng kain na parang di siya pinapansin. Nag-psst sakin si Frankie and I looked at her with a questioned look. Her lips were pointing at Ryker na parang nagsasabi siya na "may taong naghihintay sa bati mo gaga".

Kahit punong-puno ang bibig ko ng siopao binati ko siya. "Hai, Raykeurghhh." Tumawa naman ang gago. "Bakit ka nandito? Bawal ang mga pangit dito!" Pabiro kong sigaw.

"Di mo ba nakita ang sarili mo? Sana nakita mo yung punong-puno yung bibig mo ng pagkain! Ang pangit talaga!" Humalakhak siya habang hawak niya yung tiyan niya. I forgot to mention na close friends kami. Actually, siya ang closest guy friend ko after my dad died from liver cancer. Nakilala ko siya nung nursery kami pero di pa kami friends noon kasi sa morning class ako samantalang siya naman ay sa afternoon class. After nursery, di ko na siya nakita kasi nag-move in sila sa city kaya sa high school na talaga kami naging magkaibigan.

"Amp! Halika dito!" Tumayo ako at kiniliti siya. Tawang-tawa naman siya. "Hoy! Tigilan mo na! It tickles! Hahahahaha! Nai!" Tumigil ako sa pagkikiliti sa kanya at ang pula ng mukha niya tapos hingal na hingal siya.

Nakarinig kami ng mga babaeng nagtawanan. Yun pala ang barkada ni Avery and mga classmates din namin siya. "Avery!" Pumunta si Ryker sa pwesto nila at nag-ayieeeee naman ang mga kaibigan ni Avery. Nakakatawa parin ang reaction ni Avery kapag kinukulit siya ni Ryker. Joke-joke lang naman yan and alam naman naming lahat sa klase na wala silang feelings sa isa't-isa. Nagsimula lang talaga ito nang magkatabi sila sa group pic tapos sabi ng iba na bagay daw sila. Kaya ayun, si Ryker namang walang magawa sa buhay, pinagtitripan si Avery para matawa kami sa section.

"Parang tanga si Ryker. Pero I find his trippings funny!" Komento ni Frankie while looking at them. "Hoy pero infairness ha, known ka sa class as the pinakamalanding classmate namin, Nai pero di mo ginaganyan si Ryker." I don't know talaga. Baka Di ko bet? Malandi ako in a good way and I only do landi to those who attract my eyes.

"Let's go to class na. Baka magalit na naman si sir." Sabi ko kay Frankie at nagligpit ng mga wrappers ng snacks namin.

"Class dismissed. See you tomorrow, class."

It's finally 5:00 PM at pauwi na ako. Nagpaalam na ako kay Frankie kasi mag-cocommute pa ako. Naglakad ako patungo sa lugar para maghintay ng tricycle. There I spotted Ryker nagpapara ng tricycle. I walked up to him at siniko siya sa tagiliran. "Hi!" Bati ko sa kanya.

"Uy, Nai. Uuwi ka na?" Tanong niya sakin.

"Ay hindi. Papunta pa akong school. Parang male-late na nga ako eh. Shet!" Sarkastikong sabi ko at nag-poker face pa siya dahil sa sinabi ko. "Joke! Obviously, uuwi ako." I smiled at him.

"Gusto mo sabay nalang tayo?" Aya ko sa kanya. "Diba near ka sa gasoline station nakatira? Doon naman ang daanan patungo sa bahay ko." I added.

"Oh? Sige."

"Uyyyy! Si Nai at si Ryker oh! San punta niyo?" Nakita kami ng ibang classmates namin sina Alice, Jack, Elliot, at Eisha. "Ayieeeee!" Sabay nilang hiyaw samin.

Again, malandi naman ako at biro-biro naman so I hugged him at nagpacute sa kanila. "Magdadate kami!" I said with confidence.

"Uhmmm..." Sabi naman ni Ryker habang nakatingin sakin na parang litong-lito siya.

Kinindatan ko siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 28, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love MazeWhere stories live. Discover now