"For the last time, Savannah! Stop crying for your assh-ole ex. He cheated, for petes sake. Kitang kita mo naman, diba?"
Not that I am forbiding her to cry ah, pero kanina pa kasi siya ngumangawa. It's irritating na kaya.
"I love him, okay?! I really do. S-hit!" Namumula na ang mga mata nya at namamaos na ang kanyang boses. Lech-e. Mukha siyang high. Hahaha.
"Jusko po, Savannah! Katangahan na yan eh. Niloko ka nya. Ni-lo-ko." Hindi nya ako pinansin at nagpatuloy lang sya sa pag hikbi nya.
Kaya ayoko kong mainlove eh. Paiibigin ka ng sobra ng lalaki, tapos pagkatapos, ano? Iiwan nila kaming mga babae ng luhaan! Mga walanghiya. Kaya kong mabuhay ng walang lalaking dumadating sa buhay ko. Mga maninira. Sakit sa ulo at sakit sa puso lang ang kaya nilang ibigay sa amin.
"T-ngina, Amanda! Kapag ikaw ang nainlove, tatawanan kita. Tangina lang. Sinasabi mo lang naman yan kasi hindi ka pa naiinlove! Hindi ka kasi nag seseryoso, puro ka flings!" Sinigawan ako ni Savannah.
Hinding hindi mangyayari sa akin yan. Sinusumpa ko. Hinding hindi. Kainis.
--
Teka nga. Magpapakilala muna ako. Ako nga pala si Amanda Champagne Sarmiento. At yung babaeng ngumangawa kanina, ay ang bestfriend, si Savannah Yvette Santos. And yes, totoong puro lang ako flings. Madaming flings Eh sa ayokong mag seryoso eh, bakit ba? Buhay ko, desisyon ko. Plus, wala naman akong ginagawang masama eh. Wala akong inaagawan ng boyfriend. Ano bang problema nila? Kainis.
--
"Tandaan mo ito Savannah Yvette, I would never ever fall inlove. Mark my words." Seryoso kong sinabi sa kanya.
"Let's wait hanggang mabusog ka sa mga pinagsasabi mo. Antayin mo lang Amanda Champagne."
Whatever. Basta. Sigurado akong di ako maiinlove.