"Good evening everyone!" Kade looked at his father who's now at the podium making an announcement. "I would like to thank all of you for coming here tonight to celebrate with us another achievement of the Aragon Airline."
Nagpalakpakan ang mga tao samantalang si Kade ay umismid lang at kumuha ng wine sa waiter na dumaan sa harapan niya.
He's bored and doesn't give a damn to what's happening. Gusto na niyang umalis at puntahan ang mga barkada niya sa bar ni Adrian na paniguradong nag-eenjoy na naman. Pasimple siyang tumingin sa stage at nakita niyang nakatingin sa kanya ang Mommy niya.
Napabuntong-hininga na lang siya. Hindi talaga siya makakatakas dahil bukod sa bantay sarado ang mga guards nila, pati ang Mommy mukhang binabantayan din siya.
"Tonight is a very special one because we're not only celebrating the success of Aragon Airline but also the engagement of my son, Kade Von Aragon and the daughter of my dearest friend Rolando, Katrina Vidal." Gulat na napatingin siya sa kanyang ama. What the fuck is happening?!
"May we call on Kade to please come up here same with Katrina." Kumuyom ang kamao niya sa galit. His Dad was doing it again. Kailan ba ito titigil sa pangingialam sa buhay niya?
Dali-dali siyang naglakad paakyat sa stage. Narinig pa niya ang palakpakan ng mga tao lalo pa nang sumunod naman sa kanyang umakyat 'yong babaeng hindi niya matandaan ang pangalan.
Kinuha niya ang mic sa Daddy niya at nagsalita. "Wow what a surprise! I never knew I'd be engaged tonight because as far as I can remember, I never agreed to marry this girl." Narinig niya ang pagsinghap ng mga taong naroon. Tinignan niya ang babaeng namumula na ang mga pisngi dahil siguro sa kahihiyan. "In fact I don't even know her. So please stop this nonsense already Dad..." Ang ama naman niya ang tinignan na ngayon ay nangangalaiti na sa galit. "...because I'm not going to marry her." Pagkasabi niya no'n ay agad rin siyang bumaba.
Nagkagulo naman ang lahat dahil sa ginawa niya. "Kade!" Rinig niyang sigaw ng ama pero hindi niya pinansin at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad.
"Pigilan niyo siya!" Utos ng ama niya kaya agad namang humarang sa kanya ang mga bodyguards nito.
Ngumisi siya at isa-isang sinuntok ang mga ito. Alam naman niyang hindi siya papatulan dahil magagalit ang Mommy niya kapag nagkasugat siya. At kahit naman labanan siya, mananalo pa rin. Anong silbi ng kagwapuhan niya kung magpapatalo siya di ba?
Nang mapatumba na niya lahat ay nagtuloy siya sa paglalakad. Hinarangan pa siya ng press, na ipinagtataka niya kung bakit nandito, para kunan siya ng interview. Hindi niya pinansin ang mga ito at nagtuloy-tuloy lang sa kotse niya.
Nang makapasok siya sa loob ay nakita niyang ang ama naman na papalabas ang dinumog ng mga ito. Napailing na lang siya. That's why he hates those people so much, because they don't even know the word privacy at all.
Agad niyang pinaharurot ang sasakyan at nagtungo sa bar ni Adrian.
He wants peace even just for tonight kasi alam niyang madugong sermon na naman ang aabutin niya kinabukasan.
- F A I R Y S V N -
BINABASA MO ANG
Hate That I Love You [COMPLETED] - PUBLISHED UNDER GOODNOVEL
General FictionKade Von Aragon, CEO of Aragon Airline, hates to be on limelight. Aside from the fact that he doesn't want any public attention, he hates the media because for him, they don't know how to respect other people. They're always invading one's privacy. ...