Epilogue

45.5K 1.9K 304
                                    

Vander's POV

"YOU'LL have another retrieval operation. This time kasama mo sina Josh, Haze at Bryce. The trackers are already leading towards their next target. You need to save the eon." Saad ni Headmaster sa akin habang ipinasa niya sa akin ang isang folder na naglalaman ng impormasyon tungkol sa isang eon na nasa labas ng fortress at walang ideya sa mundo.

Binuksan ko ang folder na iyon at agad na tumambad sa akin ang isang litrato ng babaeng maamo ang mukha. Nakasuot ito ng puting mahabang damit na nagmumukha itong diwata sa gitna ng damuhan. Napakaganda ng mukha nito at napakaamo. Tila hindi ko nagustohan ang ideya na may kumuha sa kanya ng larawan ng ganito siya kaganda.

"What about any other casualties, headmaster?" Tanong ko rito. Nabasa ko sa folder niya na may kasama itong ina sa bahay habang ang ama naman nito at nagtatrabaho at miminsan lang nakakauwi.

"Your priority is the eon, no one else. Save her and bring her here." Pinal na utos ng headmaster sa akin.

Tumango ako at isinarado na ang folder at dinala ko iyon. Tila umukit sa aking balintataw ang mukha ng babaeng nasa larawan. Ngayon lang ako nakakita ng ganoon kagandang babae kahit napapaligiran ako ng magagandang mukha sa loob ng fortress. Ngayon lang din na may nakaagaw ng atensyon ko kahit isang larawan lamang iyon. Paano na kaya kung sa personal?

Bumalik na ako sa bahay ko at nadatnan ko si Josh na nasa sala nanonood ng telebisyon.

"Sup man!" Bati nito sa akin.

"Another retrieval operation." Sagot ko rito pero hindi ko ibinigay ang folder. I developed greediness with her picture.

"Another boring job." Komento naman ni Josh.

Hindi ko na pinansin ang komento niya. "We'll leave tonight. Bring Mr. Walker and Ms. Eleazar with you."

"Copy." Tugon nito.

Pumanhik na ako sa hagdanan para maghanda. I am excited to see her in person if it will give me the same effect as the picture does. I am still wondering, how can a mere picture do this to me.

Lumipas ang mga oras hanggang sa paalis na kami ng fortress. Parehong tahimik ang dalawang kasabay namin na sina Mr. Walker at Ms. Eleazar. Hindi rin ako nagsasalita kaya tahimik din si Josh.

Agad na sumakay kami ng sasakyan at ako na ang nagmaneho papuntang Austra. Masyadong malayo ang bayan na iyon mula sa fortress.

Kinaumagahan ay narating na nga namin ang bayan ng Austra. Naglakad na kami papasok sa kasukalan kung saan ay naroroon ang isang Eon na kailangan namin iligtas.

Ganito kami pag nasa labas kami ng fortress, hindi nagsasalita dahil ayaw namin na makakuha ng atensiyon. May nakita naman ako sa di kalayuan na isang babae na may dalang basket. Kilala ko ang babae dahil isa ito sa nakalagay sa profile ng eon. Ito ang kanyang ina.

Agad kaming nagtago. Lumagpas na sa amin ang babae kaya kami ay nagpatuloy kami sa paglalakad ng biglang may isang grupo ng sundalong nakaitim ang patungo sa lugar na patutunguhan din namin. Iisa lang ang naiisip ko ngayon. Nasa panganib ang eon.

"They are heading to the hut." Mabilis na saad ni Josh.

"Let's go." Saad ko at mabilis ang naging galaw namin. We are trained to move without any sound or noise. Kaya hindi kami napansin ng mga sundalo.

Narating namin ang bahay ng eon pero nagulat din kami ng makita namin na hawak hawak na ng sundalo ang ina nito.

"Anak tumakas ka na!" Sigaw ng kanyang ina na ngayon at mahigpit na hinahawakan ng isang sundalo.

"Mama!" Dinig kong nahihindik na tawag ng boses na iyon. "Bitiwan niyo ako!"

Marami ang nangyari. Nakita na lang namin na inilabas na ng mga sundalo ang eon pero hindi namin makita ang mukha niya dahil sa kanyang buhok na humaharang sa mukha niya.

Pero nagulat na lamang kami ng biglang ipinutok ng sundalo ang kanyang baril at tumama iyon sa ulo ng babae. Ang ina ng eon.

"Shit." Napamura na si Josh at kahit ako at nagtatagis na ang bagang.

"We need to save her now!" Asik ni Ms. Eleazar sa akin.

"We will ambush their car." Malamig na sagot ko at tumayo na kaming lahat at mabilis kaming tumakbo.

Nagawa nga namin na mapatay ang mga sundalo at nailigtas ang Eon na nagngangalang Raven.

Unang kita ko sa kanyang mukha sa personal ay hindi na magkamayaw ang tibok ng aking puso. Isa itong pakiramdam na kailanman ay hindi ko naramdaman sa iba.

Kaya simula ng nandoon na sa fortress si Raven ay pasimple akong pumupunta sa cafeteria para makita siya. Wala akong lakas ng loob na lapitan siya at magpakilala.

Pero minsan, mabait din talaga ang tadhana dahil biglang naligaw si Raven sa bahay ko at doon pa mismo sa kwarto ko.

Para akong nababato balani tuwing nakikita siya. Mas lalo lang tumindi ang aking nararamdaman ng mahawakan siya. Parang may milyon milyon boltahe ang gumapang sa loob ng aking katawan.

Alam ko ang pakiramdam na ito. This is what they call imprint, when you found your amour pero mas nagulat ako ng matuklasan ko na isa din siyang Legendary pero hindi ko alam ang dahilan kung bakit nagpapanggap siyang isang common pero hinayaan ko na.

Simula noon ay hindi ko na siya tinigilan. Nothing can stop me from owning her. She's my amour and no one can change it.

Pero ngayon ay wala na siya sa akin. I know where she is, but I set her free. It was her father's request. Alam na rin ng ama niya na si Raven ang aking amour pero humiling ito na kung pwede ay bigyan ko muna ng kalayaan si Raven na mamuhay ng normal na hindi ako kasali.

Noong una ay ayaw kong pumayag. Iniisip ko pa lamang ay nasasaktan na ako kung malalayo siya sa akin. Pero yun ang gusto ni Raven, ayon sa ama niya. Kahit ayaw man sabihin ni Raven ay alam ko na may nangyari. Nakita ko sa CCTV ang buong pangyayari sa arena.

The man has the illusion ability at kaya nitong gayahin ang sino man na kahinaan ng makakaharap niya.

Raven thought I betrayed her. I want to explain it to her so bad pero pinipigilan ako ng papa niya. They said it is not the best time dahil hindi ako papaniwalaan ni Raven. So I decided to agree.

I prepared all the things they needed. House, money and I even bought all the dresses for my baby. I designed her room. It will be years before I can see her again. I promised her dad not to see her. But I swear, once we crossed path again, she'll never get away from me, ever again.

"I have faith in you, baby." Bulong ko na lang habang papalayo sa bahay kung saan nakatira si Raven.

End of Book One

Raven |Deathly Fate Series 1|
All Rights Reserved 2019
Written by: C.G.M CESISTA
One of Three

RAVEN |Deathly Fate Series 1|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon