Ako nga pala si Andrew.
Isang lalaking nahulog ang loob sa babaeng may nagmamay-ari na.
At ang masaklap?
Best friend ko pa.
Hindi ko rin naman akalaing yung tropa kong kahati ko sa lahat, kasundo ko sa lahat. Sa huli, iisang babae lang din pala ang mamahalin namin.
Nandito ako ngayon sa room. Vacant naman eh.
Nag-iisip kung anong gagawin.
Nakikita ko sila. Si Lesley at Ryan.
Masaya. Nagtatawanan.
Ramdam mo yung pagmamahal.
Nadudurog ang puso ko. :(
Tangina! Kabaklaan tong nararamdaman ko.
Minsan nga naiisip kong agawin yang si Les eh.
Kung hindi ko lang talaga pinapahalagahan yung pagkakaibigan namin.
Puta.
"Dre, iwan ko muna si Les sayo. Tawag ako sa labas eh." -Ryan.
Lumapit sila sa akin. Magkahawak kamay pa.
"Ah. Sige."
Nananadya ba talaga kayong dalawa?!
"Kamusta na Drew?" -Lesley.
Heto. Nagluluksa kasi sinagot mo siya.
"Ayus lang. Masaya para sa inyo."
"Ganun ba? Ikaw? Kailan mo balak manligaw?" -Lesley
Pag nakipag-hiwalay ka na sa kanya.
"Hindi na muna. Mag-aaral na lang ako."
"Hala? Mukhang broken hearted ah?!" Kantyaw ni Lesley.
Tangina. Dahil lang naman sayo.
"Yung totoo? Oo. May mahal na kasing iba yung babaeng pangarap ko." Sinabi ko yun sa kanya ng nakatingin sa mata.
Sakto naman nun. Bigla ng dumating si Ryan.
Ilayo mo sa akin yang girlfriend mo bago ko pa siya agawin sayo.
***************************************************************************
Ako si Lesley.
Girlfriend ni Ryan.
Naka-usap ko si Andrew kanina.
Mukha ngang may problema siya.
Simula nung namlaman nila na kami ni Ryan, hindi na niya ako ganung kinakausap.
Nasasaktan siya ngayon, kitang kita na may minamahal siya.
Ang swerte naman nung babaeng yun. </3
A/N:
Sa wakas :D Nakapag-start din ako ng Short Story ^^ May karugtong pa iyan mga repapips. Itutuloy ka pa ba ito? Comment pleaaaaassseeeee :)))
-muning.
BINABASA MO ANG
I'm In Love with My Bestfriend's Girlfriend
Short StoryHow can you refrain yourself from loving someone, you know you can't have? Would you fight for what you feel or would you believe in "If you really love someone, set them free."