The Ending

50 0 0
                                    

Sa totoo niyan, hindi ko naman talaga mahal si Ryan.

May iba siyang mahal.

Samakatuwid, hindi namin mahal ang isa't isa. Ang relasyon namin ay isang kasunduan lamang.

Gusto niya kasing makalimot sa babaeng nanakit sa kanya.

Nandito lamang ako para tulungan siya.

Ipakita sa maraming tao na kame, pero pagkatapos nun.

Wala na.

Buhay SINGLE ulit ako.

Alam niyo ba?

Ang mahal ko talaga ay si Andrew. :(

At ngayon, nahihirapan din ako dahil nasasaktan siya ng babaeng pinakamamahal niya.

Kung ako na lang sana...

"Les, thank you talaga ha? Kasi tinutulungan mo ako." -Ryan

"Ano ka ba? Syempre naman kuya."

Oo, kuya. Kapatid ko siya. Sa ama. Kaya ganun na lamang kami ka-close at hindi nag-iilangan. Lahat ng pinapakita namin sa mga tao ay isang palabas lamang.


"Les, sa tingin ko. Gusto ka ni Drew."

Napatigil ako sa sinabi niya. Naaalala ko na naman siya. :(

"Sus. Gusto? Pano mo naman nasabi?"

"Basta. Alam ko lang." bumuntong hininga si Kuya. "Nahihirapan ka na ba sa sitwasyon natin? Malapit na Les. Malapit na akong maka-move on. Pwedeng pwede na kayo."

"Kuya, ano bang sinasabi mo? Hinding hindi ako magugustuhan nun."

"Malay mo diba? Trust me."

Sana nga. Sana totoong gusto niya rin ako.

****************************************************************************

Tangina! Ang sakit na ng ulo ko... Pati ng puso ko.

Kailan ba ako makakamove on dito sa sitwasyon kong ito? Pucha.

"Drew, pwede ba kitang makausap?"

Oh, nandito pala tong. Pakyu kong kaibigan eh. Ts.

"Tungkol san? Wala akong pera dre."

"Gago ka talaga. Hindi yun. May itatanong lang sana ako."

"Ano yun?"

"Mahal mo ba si Lesley?"

Napahinto ako sa pag-iisip nung mga panahon na yun. Ano bang sinasabi nitong ugok na toh? Kung sasabihin ko ba yung totoo, ibibigay niya ba sa akin si Les? Pero hindi rin eh!

Ipapamigay at sasayangin lang niya yung babaeng mahal ko pag ginawa niya yun.

Mas gugustuhin ko pang masaktan kaysa si Les ang mahirapan.

"Dre, kung gusto mo siya.... Pwede ko naman siyang ipahiram sa iyo eh."

Nagdilim ang paningin ko. PUTANGINA.

Tumayo agad ako at sinuntok siya ng malakas.

Sa lakas nun, napaupo siya sa sahig.

Nanahimik ang buong kwarto namin. Dahil sa nangyari.

"Tarantado ka pala Ryan eh! Putangina ka ha?! Anong akala mo kay Lesley? Laruan na ipapamigay mo lang basta-basta?!"

Pinunasan niya ang dugo sa labi niya. At ngumiti...

"Totoo nga ang hinala ko."

Dahil sa sinabi niya. Inambahan ko agad siya ng suntok pero pinigilan kame ng isa naming tropa.

"Tama na yan Andrew! Mag-usap kayo ng mahinahon!"

"Huwag kang mangelam dito Ralph. Eh gago yang hayup na yan eh! Nag-paraya ako kasi niligawan niya si Lesley. Putangina! Mahal ko yung tao tapos ganyan lang? Ipapamigay mong parang tuta?! TARANTADO KA RYAN!"

Natigilan ako ng may nagsalita.

"Mahal mo ako?"

Si Lesley. Patay -___-" Anong gagawin ko?!

"...."

"Ulitin mo yung sinabi mo Andrew."

"Tangina naman Lesley! Masakit na nga para sa akin tong ginagawa ko. Tapos gusto mo pang ulitin ko?! Talaga bang nananadya kayo? OO! MAHAL KITA!"

Lumabas ang ngiti sa labi niya.

"Oh diba? Tama ako sa sinabi ko. Mahal ka niya."

Sabi ni Ryan. Ano bang nangyayari?

"Mahal din kita Andrew!"

Tumakbo siya papalapit sa akin at niyakap ako.

Sa harap ng BOYFRIEND niya na BESTFRIEND ko?!

Anong nangyayare?!

"Les! Ano ba? Andiyan yung boyfriend mo oh."

Tumulo yung luha niya pero yung mga mata niya. Bakit ganun? Parang... Parang masaya.

"Yan? Boyfriend ko? Duh. Bakit ko naman papatulan ang sarili kong kapatid Andrew?"

"Ano?! Hindi ko talaga maintindihan. o_O"

"Kapatid ko siya sa labas dre..." -Ryan.

"Ako ba niloloko niyo? Eh kanina nga lang sabi mo pwede mo siyang ipahiram sa akin kung gugustuhin mo? Pucha naman!"

"Andrew, kaibigan mo ako. Matalik na kaibigan. Sorry, hindi ko nasabi sayong may kapatid ako sa labas. Nahihiya kasi akong malaman mo ang lihim ng pamilya ko. Alam ko. Mahal mo na si Lesley. Kinakailangan ko lang talaga ng makakapitan para makalimutan ko si Venice."

Hindi pa nagsisink-in sa akin lahat. O_O

"Kaya ko sinabing ipapahiram ko siya sayo. Alangan namang ibigay ko sayo yung kapatid ko?! Eh nag-iisa yan! Tsaka bata pa yan para ibigay ko sayo. Hindi mo muna kasi ako pinapatapos sa mga sasabihin ko!"

Unti unting nalilinawagan ang lahat. Napangiti ako. At tumingin ako sa babaeng mahal ko. Ang sarap naman sa pakiramdam.

Niyakap ko siya ng mahigpit.

Sanhi para mag-hiyawan ang mga kaklase kong parang nanunuod ng shooting.

"Oh dre. Alagaan mo prinsesa namin ha?"

Tinapik ako sa balikat ni Ryan. At tsaka umalis. Ginantihan ko naman siya ng ngiti.

"Akala ko hanggang pangarap na lang kita." -Lesley.

"Mahal na mahal kita Lesley ko! Akin ka lang ha?"

Muli ay niyakap ko siya ng sobrang higpit.

"Ano?! Sayo agad ako?! Hindi ka pa nga nanliligaw?!"

Nagulat ako sa sinabi niya. Iniwan niya ako duon ng tulala.

Habang nakatulala. Napangiti na lamang ako.

🎉 Tapos mo nang basahin ang I'm In Love with My Bestfriend's Girlfriend 🎉
I'm In Love with My Bestfriend's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon