63

16 2 0
                                    

kim sharlene's pov

naglakad na ako papunta sa likod ng school, our building, seniors building. nagmadali ako, baka umalis agad yun eh.

may nakita akong nakatalikod na naka upo sa bench. may dala dalang papel, sino ba to? "hello? ikaw ba si YK?"

halatang nagulat ang babae kaya nilagay niya ang kamay niya sa dibdib bago tumango. umupo na ako sa tabi niya at nagsimula na siyang magsalita.

"tinawag kita dito kasi naranasan ko na ang nangyari sayo kaya ayokong maglakad ka the same path i did"

huminga niya ng malalim bago mag salita, "habang wala ka dito ay may nagkalat na ginagamit mo daw si yanna para maka-close kay soobin,"

so ayun ang rason kung bakit hindi ako pinapansin ni yanna? hindi niya ba ako pwede kausapin man lang?

"one more thing, ikaw daw ang rason kung bakit bumabagsak ang Smile project. dahil daw sa pagkaalis mo ay tinawag kang maarte at rason kung bakit mawawala na ang Smile project"

tumingin ako sa baba, hindi mapakaniwala. sino ang gagawa nun? as far as i know, wala naman akong kaaway dito, malinis ang pangalan ko at kung may nagawa man ako ay magso-sorry ako.

"alam mo ba kung sino ang nagsabi nito?" tinanong ko siya, hopefully alam niya para makausap ko naman kung may problema ba to saakin. "sorry pero hindi ko alam, actually hindi rin alam ng iba, dinikit lang ito sa bulletin board at ayun, kumalat na"

huminga ako ng malalim. mag transfer na lang kaya ako? o umalis ako dito at pumunta sa USA? linisin ko ang pangalan ko? putek na buhay.

"thank you for coming sharlene, i just want to help you since i experienced what you are experiencing right now"

tatayo na siya sana ng hinila ko ang kamay niya, "sino ka muna? YK?" tanong ko, wala ang pangalan niya sa libro, at sa website. imposible naman yata tong mangyari.

"Yoon Kimberly. ayan ang pangalan ko, hindi pa ako enrolled kaya wala pa masyadong nakakakilala saakin" tumango na lang ako, "thank you Kimberly"

umalis na siya at naiwan akong gulong gulo. sino ba ang nagkalat nito? may galit ba ito saakin? pwede ko pa bang linisin yung pangalan ko?

𝓽𝓻𝓮𝓪𝓼𝓾𝓻𝓮𝓻Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon