Perfect Match. (KathNiel)

230 5 2
                                    

Sana po magustuhan nyo story. First try, ei. Thank you po! Kung may comment po kayo, pkisabi n lng po. :) 

_____________________________________

Anong gagawin mo kung magka-gusto ka sa EX mo na pinag'aagawan na ngayon ng maraming babae?

Yung time na, pagdumadaan siya sa lobby, tinitingnan mo lang siya, nagmumukha kang tanga.

Yung para bang gusto mo siya kausapin pero hindi na kayo close, kase parang galit siya sayo.

Yung gusto mo balikan yung nakaraan. Pero, pinag-sasabihan ka ng kaibigan mo na "awat na".

Yung parang gusto mo sakanya sabihin yung tunay mong nararamdaman, pero nawawalan ka kaagad ng lakas na loob.

Wala kang magagawa. Ganyan ang buhay eh. :(

-------------------------------------------- 

<Kath>

Ako si Kathryn, ewan ko ba kung bakit ko pa rin siya naaalala. Yung kahit ilang beses mo sabihin sa sarili mo na, "Kakalimutan ko na siya!", makita mo lang siya, BOOOM! Nakalimutan agad yung mga sinabi sa sarili.

Alam ko nagkamali ako. Alam ko ako din naman yung gumawa, kaya ako nagkakaganito ngayon.

Alam to ng kaibigan kong si Julia, dahil sa kanya ko lang naman ito pinagsasabi.

Best friend nga, dba?

Hay naku, sana makalimutan ko na to. Nakakabaliw. Nakakalagas ng BANGS! =_='

-------------------------------------------- 

<Daniel>

Ako si Daniel. Di ko alam kung paano ako naging kilala masyado. Pero ewan ba, kung ano nakita nila sa akin.

Wala pa ako masyado nagiging girlfriend, except kay .....

Never mind. Wala na akong pakialam dun.

Si Enrique kaibigan kong ewan, lage kong kasama. Lage ko sinasabihan ng mga problema ko. (Susmaryosep, nagmumukha akong ewan.) O, d sige, pinagkakaguluhan din sa campus. Hahaha. Naniniwala naman kayo? Judge him. ;)

-------------------------------------------- 

<Kath>

Sa school,

"O, julia! san ka naman pumunta? Kanina pa kita hinihintay!"

"Dun lang! Suusko naman. Para naman tong mawawala."

"O, tara. Hahanapin pa natin kung anong section tayo."

Dali-dali kaming tumakbo ng,

Biglang sumigaw ang mga tao.

Walang duda, andyan na si Daniel.

At ako, nakatingin lang na parang ewan. Yung gusto mo lumapit, pero di pwede. Mapapahiya lang naman ako.

(FLASHBACK)

"Kath, akin na yang bag mo. Ayoko nang napapagod ka."

"Ha? Hindi, okay lang. Kaya ko naman to."

"Di akin na (sabay kuha sa bag). Ako na"

<3 :""""">

(end of flashback)

Nakakamiss yung time na ganoon pa kame. Ano ba kasi ang nangyayare sa akin.

An'tanga'tanga ko lang.

"Oi, Kath. Ano na? Titingnan pa natin kung sang section tayo."

"Ay, oo nga pala!"

Dumiretso na kame sa 2nd floor, para malaman namin ang section namin.

Pero an'daming pumapasok sa isip ko. Paano kung maging kaklase ko si Daniel.

Iyon na kaya ang pagkakataon para, magka'ayos uli kame? 

Iyon ang magiging rason para mas lalo kaming hindi magkasundo

Nakarating na kame sa may bulletin board.

Ano ba yan, an'daming tao. Nakakainis naman.

"O, Kath, Bl. Mannes ang section naten."

"Magkaparehas tayo?"

"Naten nga diba. Hahahaha!"

Maya-maya.....

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhh"

Anong nangyare sa kaibigan ko?!

"Oi, Julia! Anong nangyayare sayo at sumisigaw ka dyan?"

Hinila ako ni Julia bigla. At ipinakita kung sino ang ika-26 sa lista ng mga estudyante sa Bl. Mannes.

Oh. My. God

Bakit siya?

Bakit si Daniel Padilla?

No, hindi ito pede?

_____________________________________

Tingin nyo magiging okay sila o mas lalo magiging hindi?

Hope you enjoy reading! ;)

Perfect Match. (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon