Chapter 9

566 16 0
                                    

"Bestfriend, Congrats sa atin. Nagawa natin Best!"

Oo, nagtagumpay ang aming mission sa kompanya ni Grant. Tiniktikan na namin ng tiniktikan, nagpanggap din kaming security guard sa gabi para di kami mahalata. Malaki ang tulong ng footage ng CCTV, magaling si Lie , mayroon siyang kakakibang technique na ginagamit upang makuha ang nadelete nang footage ng kompanya. Kaya ayon sapol. At si kalbo, I mean yung mapangmatang tao pala sa finance , isa siya sa may pakana. Kasama ang releasing and  receiving personnel ng kompanya. Kaya naman tuloy, sa kulungan ang bagsak nila.

Galit na galit si Grant sa mga tauhan niyang nagtraydor sa kanya. Mabuti na lang at may puso pa itong maawain at hindi dinamay ang mga pamilya at anak ng mga nasangkot sa smuggling. Ang mga sasakyan ni Grant, yung iba ay naibalik pero mayroong hindi na talaga naibalik sapagkat nadispose na ito.

"Espren!!!!,, lutang ka na naman." Ngumiti siya dito.

"Wala best, masaya lang ako sa accomplishment natin" sabi nya dito. "Mabuti din at tumulong si Grant" napangiti siya.

"Oi ikaw ha, tampo ako sayo, may Grant ka na pala, di mo man lang tsinika" himutok ng kaibigan. Napangiti siya.

"Naging busy kasi tayo best, huwag nang magtampo, mahaba ang araw natin ngayon. Weekend at wala akong schedule sa hospital"

"Talaga best?, I miss you!" Na miss nya din ang kaibigan nyang ito, di na sila nakapagbonding. Kung saan saan din kasi ito nagpupupunta, sumusulpot lang kapag may mission sila.

"Saan ka ba kasi nagpuppunta best?, palagi kang wala". Tinitigan niya ito. Mailap ang mga mata.

"Wala, may mga inasikaso lang, alam mo naman ang buhay ko espren" malungkot na sagot nito.
Maya maya pa ay......

"Arayyyy!!!!...." loka itong babaeng ito, sinabunotan ba naman ako, kulang na lang matanggal ang anit ko. Bumalik naman ang sigla nito at may pakindat-kindat pang  nalalaman.

"Anong kinikindatkindat mo dyan" nagtataka siya, nagiging bipolar yata itong kaibigan niya, kanina malungkot ngsyon naman ay loka-loka na.

"Masarap?" Nabigla siya

"Ang alin?" Nagtataka siya wala naman silang pagkain sa harap ngayon.

"Ang mga halik ni Grant, nakita ko kayong nagtukaan nuh, noong gabi ng first date nyo, ano?"

Namula siya, nahiya siya, kapagkuway napangiti na lang din. Naalala nya ang first kiss niya.

"Ano na best?,..." usisa ng kaibigan.

"Che, huwag ka nga" may naisip siyang kapilyahan.

"Best, bakit mo pa tinatanong, eh kung magpahalik ka din kaya, para malaman mo." Bangirit nya dito.

"Tigilan mo ako, bata pa ako nuh," nagroll ang mga eyeball na sabi nito.

"Hoy loka-loka, anong bata pa eh mas matanda ka sa akin ng 3 years" alam nya ang kwento ng buhay ng kaibigan. Hangan siya sa kakaibang tatag nito.

"Oo na, oo na. Ikaw na ang bata.... nakakagawa na ng bata" sabay tawa nito.

"Yung totoo best," nagseryoso ito. "Isinuko mo na ang bandera?"

"Loka-loka ka talaga, hindi pa nuh", sagot niya.

"Hindi pa,? Aba'y may balak....aray ko best"

Piningot ko ang singit nito, tawa na naman siya ng tawa. Kiniliti niya ako, hanggang sa naghabulan kaming dalawa sa buong sala ng bahay namin.

"Wooh"

"Wooh"

Sabay naming dalawa at pasalampak kaming naupo sa sofa. Namimiss namin ang bonding na ito. Matagal tagal na ring hindi namin ito nagawa.

You are my Everything (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon