1.

2 0 0
                                    

Lagi kong tinatanong sa sarili ko kung paano. Kailan.
at bakit.
Pero wala di ko na maalala o baka sadyang natabunan na sa memorya ko.
Baka kasi akala ko biglaan pero matagal na pala, di ko lang napapansin.
Nung umpisa wala namang problema.
Masaya. Masaya pa.
Normal lang gigising araw araw, kakain, makikihalubilo, mapapagod, matutulog.
Pero alam kong may iba.
Akala ko interesado lang ako.
Akala ko nagtataka lang ako.
Hanggang sa napagtanto ko, hindi pala.
Iba pala.
Gusto ko pala talaga.
O baka gusto nila.
Ewan ko kung sino pero pakiramdam ko kailangan ko.
Pakiramdan ko yon lang makakas0agot sa mga tanong ko.
Pero madalas naiisip ko, pano pag tapos ? pano sila ? pano ako ?
Kaso imbis na mawala yung interes ko lalong lumalalim.
Lalong dumadami yung mga tanong na nag aantay ng sagot.
Naramdaman mo na ba yon ?
Yung tipong buhay ka pa pero ayaw mo na.
Yung tipong ayaw mo pero di mo alam kung bakit.
Na parang di mo naman talaga alam kung ikaw ba yung umaayaw talaga.
Sa mga makakabasa siguro neto iisipin kulang lang ako sa aruga.
Tama naman din.
Pero di ko pa din makumbinsi yung sarili ko.
Dahil lang ba talaga don yon ?

--We're all just suicidal kids, telling other suicidal kids that suicide is not the answer.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 03, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Demons.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon