"Tree House"

59 0 0
                                    

May dalawang matalik na magkaibigan na nagngangalang Kulas at Toyang, ito ang kanilang mga palayaw. Sila’y laging magkasama at magkalaro sa kanilang paboritong lugar, ang Tree House. Espesyal na lugar para sa kanila iyon kung kaya’t  sila ay nangako sa isa’t isa na hindi nila iiwan ang lugar na iyon at kanilang babalik-balikan hanggang sila man ay tumanda na at dito rin nila dadalhin ang kanilang makakasama sa habangbuhay. Nilagyan nila ito ng palatandaan sa may pinto. Isinulat nila ang “Kulas & Toyang’s Property” gamit ang spray paint. Ngunit isang araw habang sila’y papaakyat sa Tree House nawalan ng balanse si Toyang sa hagdan at tumama ang kanyang ulo sa malaking bato. Nawalan siya ng malay dahil sa sobrang lakas ng kanyang pagkaka-bagok. Nagulat si Kulas sa mabilis na pangyayari, siya’y nataranta at nagsisisigaw habang umiiyak at humihingi ng tulong. Nadala na si Toyang sa ospital ngunit hindi kaya ng mga doktor na gamutin siya. Nabalitaan na lamang ni Kulas na inilipat ito ng ospital sapagkat mas lumala ang kondisyon nito at hindi kalaunan ay dinala na siya sa Amerika upang doon gamutin at magpagaling. Matapos ang isang taon wala pa ring balita si Kulas tungkol sa kalagayan ni Toyang, may bali-balita rin na namatay raw siya dahil sa hindi naging matagumpay ang naging operasyon niya. Ngunit wala itong patunay o tsismis lamang.

Makalipas ang sampung taon, nasa kolehiyo na si Kulas o mas kilala na bilang Lucas na tunay niyang pangalan. Siya’y kumuha ng kursong Medisina sa France, nagsumikap siyang mag-aral ng mabuti hanggang siya’y makatapos. Bumalik siya dito sa Pilipinas upang magpatayo ng kanyang sariling ospital. Siya’y nagbakasyon muna ng higit isang buwan para makapagpahinga bago niya ipatayo ang kanyang proyektong ospital. Dito niya nakilala si Victoria isang fashion model/designer sa Amerika. Isa rin siyang doktor  ngunit mas pinili niyang maging fashion model at designer sapagkat dito siya masaya.  Siya’y mabait at palangiti. Nakilala niya ito sa isang Launch Party ng isang kilalang kompanya sapagkat kaibigan at business partner ni Lucas ang may-ari nito. Pinakilala ng kanyang kaibigan si Lucas kay Victoria sila’y nagkausap tungkol sa kanilang pamumuhay at kung ano ano pa. Hindi nagtagal ay madalas na silang nagkikita at lumalabas. Ngunit isang araw habang sila’y namamasyal napansin ni Lucas na may marka ng peklat sa may bandang kilay si Victoria, tinanong niya ito kung san ito galing at sabi ni Victoria hindi niya matandaan kung ano ang dahilan nito ngunit sabi raw ng kanyang magulang, nakuha niya raw ito noong bata pa siya habang naglalaro kasama ang matalik niyang kaibigan. Ngunit wala siyang maalala sapagkat nagka-amnesia siya. Biglang naalala ni Lucas ang matalik na kaibigan niyang si Toyang at siya’y biglang tumahimik. Tinanong ni Victoria kung bakit biglang tumahimik si Lucas at ang sagot nito ay “Wala, naalala ko lang ang aking matalik na kaibigan noong bata pa ako ngunit wala na akong balita sa kanya ngayon..”

Pagkatapos ng halos apat na buwan, dumating sa punto na nagdadalawang isip si Lucas na ipagtapat ang kanyang nararamdam kay Victoria sapagkat baka magka-ilangan sila at hanggan kaibigan lang ang tingin nito sa kanya. Ngunit isang araw, naglakas loob na si Lucas na sabihin na ito kay Victoria. Nag-isip siya ng maraming plano, at sumagi sa isip niya ang sumpaan ng kanilang matalik na kaibigan si Toyang na dito nila dadalahin ang espesyal na tao sa kanilang buhay. Kinabukasan inaya ni Lucas na mamasyal sila ni Victoria at sa bawat dinadaanan nila ay parang nakita at napuntahan na raw ni Victoria iyon. “Sus! Nananaginip ka na naman!” pabirong sinabi ni Lucas. Sa haba ng kanilang biyahe nakatulog na si Victoria sa kotse.

“Gising na! Nandito na tayo oh!” biglang sabi ni Lucas. Nang magising na si Victoria sila’y nagpunta sa isang Tree House. Habang sila’y nagkukwentuhan naghahanap ng tiyempo si Lucas kung papaano niya sasabihin kay Victoria ang nais niyang sabihin. “Umm, Victoria may gusto nga pala akong sabihin sayo..” wika ni Lucas. “Sige, ano yun Lucas?” sabi ni Victoria. “Alam mo, ito ang pinaka-espesyal na lugar para sa akin sapagkat dito kami nangako ng aking matalik na kaibigan na dito naming dadalhin ang espesyal na tao sa aming buhay.. At ikaw yon..”  wika ni Lucas. Nabigla si Victoria sa ipinagtapat ni Lucas at siya’y napatayo. Ngunit, aksidenteng nauntog si Victoria sa may pinto, sumakit ng bahagya ang kaniyang ulo ngunit naging maayos naman siya agad pagkatapos nito. Bigla niyang napansin na may nakasulat na “Kulas & Toyang’s Property” sa may pinto. Tinong niya kung ano ito at sabi ni Lucas na iyon ang palatandaan nila ng kanyang kaibigan. Bigla na lamang napaluha si Victoria at sinabing “Kulas, naalala ko na..” “Ha? Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Lucas. Sinabi ni Victoria “Buti nagkita ulit tayo.. Naaalala ko na ngayon ang lahat.. Ang sagot sa aking mga katanungan..  Ako to Kulas.. Si Toyang..”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 30, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Tree House"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon