CHAPTER 26 :
Demzel’s POV :
Nakahinga ko ng maluwag dahil hindi naman daw malala yung makakabagok niya . Ilang minuto na lang gigising na siya .. Kinakabahan ako .. Pano kapag galit pala siya sakin ? ;(( tapos what if kamuhian niya ko kasi isa kong kriminal ? T^T
“ Blanche ! “ napalingon ako sa pinto dumating na sila . Halatang gulat sila na makita ako ..
“ Bro ! Teka multo ka ba ? “ natawa nalang ako . Ang kulit padin ni Breeze . Binatukan naman siya ni ate .
“ Shunga ka hon anong multo ka dyan ? Ang gwapo ng kapatid ko para maging multo nuh ! At ikaw Demzel mabuti naman at nagpakita ka na sa wakas ! “ niyakap ako ni ate . Si ate lang kasi ang nakakaalam na buhay ako . Nilihim namin sa kanila kasi nga alam niyo na yun !
“ Teka ! Ibig sabihin alam mong buhay si Demzel ? “ tinaasan siya ng kilay ni ate . Tsk ang taray ng kapatid ko -__-
“ duh ! Obvious ba huh Breeze ? “ napakamot sa batok niya si kuya Breeze haha under talaga siya ni ate . Kawawa naman .
“ Oo na boss ! “ umupo siya sa sofa .
“ Kamusta na siya ? “ tanong ni ate .
“ magigising na siya maya-maya . “
“ tss . Ano bang nangyare at bigla kang nawala ? Alam mo bang halos mamatay yang kapatid ko dahil sayo ? “ napayuko nalang ako . Kinuwento ni ate lahat ng nangyare sakin at kung bakit ako nawala .
“ Grabe ! Asan na yung hayop na si Blade huh ? Gago yun aa ! Pag nakita ko yun --- ARAY !! Vera masakit na aa ! “ binatukan ulit siya ni ate .
“ Kasi naman ang OA mo ! Ang alam ko matagal ng umalis si Blade sa kamay nung siraulong si Thunder nuh ! Tsaka hindi namna pinatay ni Demzel yung si Ace nagkataon lang na nung babarilin na si Demzel , humarang si Ace kaya siya yung natamaan ng bala . “ nag-nod nalang si kuya . Yun naman talaga yung nangyare ee pero sinisisi ko padin ang sarili ko kasi di ko naprotektahan yung unang babaeng minahal ko ..
“ Aa ok . Nakuha ko na ! Teka alam na ba ni Blanche na buhay ka ? “ umiiling ako .
“ ok lang yan . Antayin nalang nating magising siya . “ wala ng umiimik samin . Si ate natutulog sa balikat ni kuya . Ako naman nakabantay lang sa tabi ni Blanche . Gusto ko kasing pag na gising na siya ako agad ang makikita niya . I miss my baby ..
Blanche’s POV :
Ang sakit ng ulo ko . Iminulat ko ang mga mata ko . Puro puti yung nakikita ko .. Napalingon ako sa gilid ko . Unti-unti ng tumulo ang mga luha ko . Hinaplos ko ang mukha niya .. He’s back .. My baby is back ..
“ May masakit ba ? Bakit ka naiyak ? “ nagising siya . Hindi ko na napigilan ang sarili ko agad ko siyang niyakap .. I miss him so bad ..