Nahulog. Nasaktan. Repeat.

30 1 1
                                    

Bakit nga ba ako nasasaktan?

Siguro dahil mahal kita.

Pero crush lang naman kita eh, bakit mahal na mahal kita? Puta. Ang OA.

3 years na kitang crush.

Pero bakit? Hanggang ngayon, ikaw pa rin? Crush lang naman kita diba? Pero bakit nagmumukmok ako ng ganito kung crush nga lang kita? Tang! So pagibig na ba talaga ito? Nubayan. Sana ininform naman ni Kupido na mahuhulog na pala talaga ako sa isa sa mga pinana niya, kasi HINDI AKO READY. Hindi pa ako ready na masaktan. Tangina naman oh.

Magmahal na nga lang sa maling tao pa? Punyeta.

Bakit nga ba natin mahal na mahal ang isang tao kung ang tingin lang niya sayo ay isang KAIBIGAN o CLASSMATE?

Bakit ba tayo mahuhulog sa isang tao kung wala naman palang sasalo?

Bakit nga ba natin mahalin ang hanggang kaibigan lang?

Tanga na siguro ang mahuhulog nun diba? Pero sabi nila, kapag daw inlove ka, ready kang maging tanga maranasan lang ang happiness kahit na walang sumasalo. May sense ba? Kumbaga sa English, the reason why slides are made is for us to experience the happiness even though there is no one catching.

Ugh. Ang hirap ng pagibig. Crush nga lang talaga kita diba?! Crush lang!! Pero ba't ako nasasaktan ngayon? Ba't ako nasasaktan makita ko kayong dalawa na nag-iibigan. Alam kong wala akong karapatang mag selos pero GUSTO KITA, GUSTONG GUSTO KITA siguro sapat na yun para mag selos.

It wasn't my intention to fall for you, pero sadyang BULAG AT TANGA ITONG PUSO KO EH. Pipili na nga lang, sa may MAHAL NA?!

Bakit ba gusto kita? Bakit ba ikaw yung gusto nitong punyeterang pusong ito? Bakit ba ikaw ang pinili ni Kupido? Bakit ba kasi ikaw pa iyong natamaan ng pana? Bakit ba kasi hindi ka yumuko nung papana na yung lecheng Kupido?! Bakit ba kasi hindi mo ako mahalin kagaya ng pagmamahal ko sa iyo? Pakshet mo Kupido. Pakshet tong feeling ko sa iyo.

Sana may delete button nalang sa buhay no? Yung tipong isang press mo lang sa delete mawawala na yung feelings at mga daydreams mo sa kanya? Pero hindi tayo computer eh. Iyan ang hirap sa life.

Bakit ba napaka sweet mong tao kung wala ka naman palang nararamdaman para sa kanya? Bakit ba napaka assuming ko?

Buti sana kung ganito yun oh:

Mahal kita. Mahal ko siya. Mahal niya iba.

Para kung sakali.

Mahal kita. Mahal mo ako. Bahala na siya sa buhay niya.

At dahil assumera ako, maging:

Girlfriend mo ko. Boyfriend kita. Epal lang siya.

At isali na ang pagiging ilisyunada:

Wifey mo ko. Hubby kita. Anak nating dalawa.

Pero sana lang naman iyon lahat eh.

Kasalanan ko ba? Kasalanan ko ba lahat ng ito? Kasalanan ko ba bakit nasasaktan na ako ng ganito? Kasalanan ko ba'ng ibigin ang tulad mo? Kasalanan ko bang umibig ng taong wala namang nararamdaman para sa akin?

Siguro.

Oo.

Baka.

Sakali.

Oo.

Siguro assumera lang talaga ako dahil binibigyan ko ng meaning lahat ng kasweetan na ginagawa mo. Kasalanan ko bang hindi ko alam na sweet ka lang talaga na tao? Siguro mahal ka lang talaga ng puso ko.

So kasalanan ko nga lahat ng ka dramahan kong ito.

Pero akala ko wala na talaga akong feelings para sa iyo? Pero bakit sa tuwing dadaan ka lang sa harap ko o manghihingi ng ballpen o  ka line tayo sa canteen, bumabalik lahat? Giatak, ang corny.

Kaya wala akong dapat magreklamo dahil ako pala ang nagpakatanga sa iyo. Kasalanan ko ito.

Pero para sa akin ikaw ang Best Mistake.

Bakit? Dahil kahit na hindi mo alam na may lihim na nagmamahal sa iyo ay napapasaya mo ako kahit na hindi mo namalayan o ginawa.

Hay. Bakit ba kasi ang dami kong tinatanong, kung babasahin lang naman niyo ito?

Pero srsly, I REALLY HATE LIKING YOU.

There are so damn many prons and cons when it comes to you, hindi ko na isa-isahin dahil nakakatamad. But one thing's for sure,

Damn, I fucking love you but hell its killing me.

Simultaneously, you're my wonderwall and at the same time you're my downfall.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 18, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nahulog. Nasaktan. Repeat.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon