MENSAHE💌

15 0 0
                                    

Nagsimula sa mensahe
Pag-ibig ay sumibol
Mensaheng nagdulot ng saya at hinagpis
Mga mensaheng punong puno ng hiwaga
Hiwaga na mauuwi sa pag-iibigan ng dalawang tao.

Ngunit paano kung sa umpisa pa lang bawal na,
Ang pag-iibigan na nagsimula sa mensahe
Nais pa bang ituloy o ititigil na!

Pag-iibigan man ay bawal
ngunit sa taong handang ibigay ang lahat mali man kung titignan 
dala nito'y saya at ginhawa sa pusong nagmamahalan.

Puso na ang nagdikta
kahit bawal ay itutuloy sapagka't masarap daw ang bawal.

Bawal man sa paningin ng iba
ngunit pag-ibig ang panlaban nila
Madami man ang humadlang,
paghiwalayin ninuman
Tadhana ang gagawa ng paraan upang magtagpo muli
At sa oras na pwede na,

Ang mali ay magiging tama
Tama sa paningin ng iba
Walang panghuhusga sa mga mata
Ang pag-ibig na matagal na inaasam malaya ng mararamdaman sa taong mali sa una,
Ngunit pag -ibig ang daan upang mali ay maging tama.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 17, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MENSAHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon