1

5 0 0
                                    

Kadiliman.

Minsan may mga panahon na ito lang ang yumayakap sa ating pag-iisa. Maging sa mga lihim at sikreto na kailanman na hindi mabubunyag.

May nga tao din na komportableng manatili sa dilim. May mga tao din na takot sa dilim. May mga taong neutral ang pagtingin sa dilim. Pero sa kaso ko, ayoko sa dilim.

Naisin ko man na makaalis sa kandungan ng dilim, hindi ko magawa. Marami akong mga bagay na kailangan tuklasin ko sa aaking sarili.

Sa maagang edad namulat na ang isip ko na hindi talaga pantay ang mundo. Kung sasabihin nila na isang malaking kahibangan ang sinasabi ko, think again.

"Aeyz, sweetie kakain na tayo-"

"Leave me alone ma" sabi ko at hindi manlang siya nilingon. Para saan pa.

"But sweetie yung gamot mo-"

"Just leave me alone! Leave!" Sabi ko at tuluyan nang sinabog kung ano man ang nahawakan ko.

Nang marinig ko ang tunog ng pagsara ng pinto, unti unti ko nang niyakap ang kalungkutan at pag-iisa sa loob ng isang silid na tanging tunog ng aircon ang maririnig.

Ayoko nang ganito. Nakaupo lang sa higaang sawang sawa na akong tungtungan.

Hindi ko naman ito ginusto.

Napapikit nalang ako sa pagkainis at pagkabalisa hanggang sa naramdaman ko na lamang ang aking sarili na malunod sa pagkakahele ng antok.

On the way na ako papunta sa ospital kung saan ako nagtatrabaho bilang ophthalmologist. Hinahanap ko yung susi ng kotse ko ng biglang magring ang phone ko.

"Yes hello? Dra. Fiego speaking" sabi ko habang hinahanap ko ang susi ko. Nang nakita ko na ay agad akong sumakay sa kotse.

"Doc! May pasyente na kailangan na maoperahan! Aksidenteng nabuhusan ng alcohol, parehong mata lo ang damaged! Nasa lunch break pa po si Dra. Garcia!" Nagpapanic na sabi ng nurse sa kabilang linya. Habang nagdadrive hindi ko maiwasang hindi kabahan sa sinabi ng nurse.

"Meneses, stay put at icheck kung may other damages at icheck kung meron tayong eye donors, kailangan natin gawin ang cornea transplant okay? I'll be  there in a minute" Sabi ko at pinatay ang tawag.

Minaniobra ko na ang sasakyan papunta sa  katabi kong lane na maluwag naman. Pinaandar ko ng hindi lalagpas sa speed limit ang kotse kaso nahulog ang phone ko.

Nang yumuko ako para kunin yun ay huli na lahat. Nakarinig ako ng malalakas na busina at pag-angat ko ng tingin ay nabunggo ang kotse ko ng isang SUV.

Wala akong makitang kahit ano. Ni isang liwanag wala akong makita. Nahihirapan na akong huminga at sa  tingin ko may sugat ako sa noo dahil ramdam ko ang sakit.

Hindi ako maaaring magpanic dahil isa akong doktor.

Mga  ilang minuto lang nakarinigako ng boses. "Miss? Miss, kung gising ka igalaw mo ang hintuturo mo"

Ginalaw ko ang nasabing daliri at agad-agad narescue ako, ayon sa pakiramdam ko.

Pakiramdam ko mawawalanako ng lakas hanggang sa bumagsak ang katawan ko

"Miss! Miss!"

"Hindi!"

Napabalikwas ako ng bangon mula sa hinihigaan ko. Malamig parin sa kwarto.

Tama. Paano ko naman malalaman kung sino nagligtas sa akin,

Kung bulag ako.

Ocean Eyes (Senses Series #1)Where stories live. Discover now