First and Final Chapter

44 3 1
  • Dedicated kay Maria Victoria Karla Landas
                                    

Isang araw, sa eskwela, ako ay tulala.

Nag-iisip ng sasabihin, nakadungaw sa bintana.

Nang ako'y kanyang tinawag, sa akin siya'y lumapit.

Ako ay nagulat at ako ay napakapit.

Sa aking bangkuan.

Hindi ko namalayan

Ako'y namumula, ang buong klase'y nagtawanan.

Sa akin ang titig, sa akin ang pansin.

Aking pinapangarap na si Karla'y maging akin.

Hanggang sa nag-uwian, ako ay natigilan.

Nang ako'y kanyang lapitan, kinausap ng marahan.

Sa akin siya ay humiling, pwede bang makipag-kaibigan?

Ako ay nangiti, tila blangko ang isipan.

Ang sabi ko ay "Oo. Sige. Walang problema dun."

"Salamat ng marami.", ganyan ang kanyang tugon.

At habang naglalakad pauwi sa aking bahay.

Tinatanong aking sarili kung kaming dalawa ay bagay.

Paulit-ulit lang. Yan palagi ang tanong.

Bigla akong nakarinig, tila may bumubulong.

Siya ay akin ng ligawan. Siya ay bigyan ng sulat.

Ito'y aking gagawin. Tila ba nakakagulat.

Dahil bago ito sa akin, ibibigay agad ito bukas.

Dahil nga ako'y in-love, nabuhayan ng lakas.

Ng loob. Para magtapat at sa kanya'y umamin.

Ng aking pag-ibig. Sana ay kanyang basahin.

Ang liham na ginawa.

Para sa isang dalaga.

Na una kong inibig.

Itinakda na ng tadhana.

Ang aming pagkikita, hindi maiiwasan.

Na ako ay mag-isip, pangamba'y aking bawasan.

May gumugulo sa isip, hindi ko mapigilan.

Ang takot sa damdamin, hindi na maiwasan.

Bahala na si Batman, kapag aking inabot.

Ang sulat, sana siya'y hindi magalit sa suot.

Na t-shirt na gusot. At pang-hiphop na short.

Na akala mo, gumagamit ng bawal na gamot.

Kinabukasan, sa klase, kami'y magkatabi.

Siya ay aking kinausap, hindi na nagatubili.

Ang sabi ko ay, "Miss. Pwede bang magpakilala? Ako nga pala si Mark, kung iyong naaalala."

"Syempre. Ako pa. Ako nga pala si Karla. Tila ang bait mo sa'kin. Ako'y nangangamba.."

Sabi ko sa kanya, "Miss, hindi naman ako ganun."

"Ikaw naman, hindi mabiro." yan ang kanyang tugon.

Sabay ako'y nginitian, ako ay nablangko.

Ako ay tinamaan, pinana ni Kupido.

--------------------------------------------------

A/N: Hello guys! Sorry medyo slow update tong story ko. ^_^v Pagbigyan nyo na. Newbie ehh ^_^. Sa mga nakabasa na po nunjg intro ko, pasensya na kung medyo panget XD yun lang po ! Have a nice day and please continue to support my story. :)

All About TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon