Chapter 2

5 0 0
                                    





"Seph, please pagisipan mo ang offer ko. Sayang din yun! I know you are very capable and fit for the program"



I smiled at him. "Sure prof! Pagiisipan ko po"



Exchange student program. Achievement kung iisipin di ko akalain na mapapasali ako sa pagpipilian para mapadala sa Europe for the program. Mythology and World Studies International –Exchange Student Program, kung saan ang mga estudyanteng nage- excel at may interes sa pag- aaral ng mitolohiya ang napipili para dito. Sabi naman ni Prof. Mendez may anim na buwan pa ko para mag- isip. Itatanong ko na lang siguro kay Nanay at Tatay kung okay sila don. Pero saka ko na iisipin yun. May mga kailangan pa kong iprioritize dito.




@9Ball



Agad akong dumiretso sa isang chain ng negosyo namin, ang 9 ball. Sports bar ito at masasabi mo na din na student lounge dahil halos lahat ng nag aaral sa mga malapit na universities ay nagpapalipas ng oras dito lalo na ngayon at huling araw ng linggo. Sa akin na pinapa- manage nila tatay ito. Alam din kasi nila ang hilig ko sa paglalaro ng bilyar.



Bukod sa  bilyar meron ding PS4 area sa pinaka- bungad mo pagpasok. Hanggang 20 consoles ang meron ito. Sa kaliwang bahagi ang darts area at ang bar. Ang buong kanang bahagi naman ay ang billiards hall. Meron ding 20 tables. Sa itaas naman ang bar lounge, doon ay inuman area, dance floor at ang DJ. Ang bawat waiter dito ay syang cashier na din. Tumatagal ang negosyo kung may tiwala ka sa tao mo. Naisip ko na mas madali din ang operation kung di na kakailanganin ang kahera. Witty diba? Lol.



I went to kitchen area para mag audit ng inventory. Kailangan kasi naka full supplies para di kami magkulang sa produkto. Inorder ko nadin agad sa supplier ang mga kulang na drinks at stocks. At nag-issue ng checks para sa pa sweldo ng tao. Kinsenas din kasi ngayon, para loyal sa yo ang empleyado mo wag kang papa- delay ng sahod. Sa dulong bahagi ng kusina ay ang area ko, itinulak ko ang double door refrigerator at sa likod nito ang pintuan ng kwarto at opisina ko. Agad akong gumawa ng report at isinend sa e-mail ni Tatay. Oo, kahit na ako na ang may ari neto,ipinapaalam ko pa din kay nanay at tatay ang lagay ng ipinagkatiwalang negosyo nila sa akin.




* Ting *

Youhave a 1 new message!



E-mail received anak, thank you and we love you. Please take care – tatay.



Napangiti na lang ako sa nabasa ko, miss ko na sila. Siguro kapag okay na, kapag ligtas na pwede ko na sila puntahan. Pero hangga't di pa okay dito na muna ako sa maynila. Sabagay di ko pa naman maiiwan ang  mga tao dito sa 9 ball.



Habang nakatingin sa monitor PC ko ay may nag pop up na message dito 1email received for  persephone.underworld.ggnet.com . Agad akong nagbukas ng incognito window para safe sa hackers. Binuksan ko ang e-mail ko. Galing kay Hades, ka grupo ko.



From:anthena.underworld.ggnet.com

Subject: URGENT!



Meeting atPARKSQUARE, 2am. 

See you.


Mukhang importante ah. Hmm.Tiningnan ko ang relos ko,8:32pm maaga pa masyado. Hinanda ko na ang sarili ko para ...







matulog.






-----------------------------------

HI Y'ALL!!!! SHOUT OUT SA TAMANG TULOG LANG HAHAHAHAHA.

So second story ko na to parehong WIP. HAHAHAHAHA.

Kung nagbabasa ka, please leave a comment.



All works of my imaginary braincells.

Any unauthorized distribution of my story isTHIEF/PLAGIARISM!

I AM VERY VERY OPEN FOR CONSTRUCTIVE CRISTICISM, PLEASE HELP ME!

THAT'S ALL.





All rights reserved. 2019

AbductionWhere stories live. Discover now