BESTFRIEND lang kasi..
Minsan, hindi mo talaga masisisi ang sarili mo na mahulog sa isang tao.
Hindi mo rin masisisi ang sarili mo kasi, naramdaman mo 'to.
Pag-ibig eh. Masakit lang talaga na kapag nahulog ka walang sasalo sayo.
"Dimitri, bilisan mo nga dyan! Para kang babae kung magbihis ah." Reklamo ko. Ilang beses na ako palingon-lingon sa orasan at pintuan ng cr pero wala pa rin talagang lumalabas.
"Teka, eto na oh."
"Ano bang ginawa mo sa banyo? Wala namang nagbago sa itsura mo ah? Ganun ka pa rin."
"Pogi pa rin?" Nag pogi-pose pa. Srsly? Do he really need to do that? -_-
Hindi ko talaga maintindihan kung paano kami naging mag-bestfriend nito.
"Teka, saan ba tayo pupunta Ms. Gonzales?" And now he's acting like my bodyguard. Wow.
"Kung saan tayo dalhin ng mga paa natin. Gusto ko makalanghap ng positive vibes."
"Ohh. Mayroon akong alam na lugar na hindi masyadong ma-tao." Napangiting aso ako sa sinabi nya. Tama pala na naging bestfriend ko sya. (^u^ )a
Alam nya talaga kung saan nya ako dadalhin lalo na pag namumroblema ako.
And maybe, you're curious din kung ano nga bang problema ko. Family problem.
Nag-away na naman sila Mama't Papa. Pero iba na 'to, halos magiba na ang bahay namin kanina dahil sa kababato ng mga gamit ni Mama kay Papa. Ewan ko ba sa kanila.
Hindi na nga bago sa akin 'to, kasi lagi naman silang nag-aaway. Pero, bakit kasama ang gamit sa pag-aaway nila? Wala namang ginawang masama ang mga gamit namin sa bahay ah? Wtf, korny na Aby.
Pansin kong ang tagal rin naming naglakad bago makarating dito sa kung saan man.
Umupo ako. Hinihimas himas ko yung tyan ko kasi nga hindi ako nakakain kanina dahil nag-ratatatat sila Mama. "Dim, bili ka nga ng pagkain. Nagugutom na yung mga alaga ko oh." Sabay pa-cute.
Ohh, sana gumana.
"Aba, abusado ka na Aby ah! Ako na nga nagdala sayo dito tapos ako pa bibili ng pagkain mo?" There he goes again with his drama. Wala na akong choice kundi gawin ang akin oh-so-famous act na magpa-cute.
It's his weakness. Nag-puppy eyes at pout ako sa kanya at pinipilit syang bilhan ako ng pagkain.
"Ahh! Not that look, Aby. Please."
"I'll stop na kapag binilhan mo na ako."
"Psh. Fine!" Padabog syang pumunta sa malapit na ihawan. Wow. Parang may nagaganap na date ah? Wtf. Nilibot ko ng tingin yung lugar kung nasaan kami. At oo. Couples everywhere.
Sabi ko gusto ko ng POSITIVE VIBES. Sheez!
Nakita kong bitbit na nya sa braso nya ang bbq and ewanko kung anong tawag. Street foods, I miss them T^T
Nung maka-upo na sya, saka ko naman sya pinagsusuntok. "Aray! Ano na naman ba?" Reklamo nya.
"Nakakainis ka eh. Bakit dito mo ko dinala?"
"Bakit? Ayaw mo ba? Ang cute kaya nila tignan, ang cute kasi pare-parehas lang nilang niloloko ang mga sarili nila. Kunwari sweet tapos magbe-break din. Sus." Sa tono palang ng pagsasalita nya nahalata ko ng bitter sya.
"Bakit ganyan ka makatingin, Aby?" tanung nya sa akin.
"May hindi ka ba sinasabi sa akin Dimitri Sanchez?" Tinaas ko ang left brow ko para kunyare mukhang mataray.
BINABASA MO ANG
BESTFRIEND lang kasi..
Teen FictionAkala ko kami na talaga sa huli ang tinadhana para sa isa't-isa. Isang bangungot yata ang nangyayari sa akin ngayon. Hindi nya ako magawang mahalin tulad ng pagmamahal nya kay Kim. Bestfriend lang kasi.. ang turing nya sa'kin. No more, no less. xx