Kasabay ng pagbuhos ng ulan ang pagpatak ng mga luha ko. Hindi ko ito mapigilan dahil naaalala ko ang nakaraan. Nakaraang pilit kong binibitawan pero hindi ko magawa dahil sa mga alaala. Alaalang kay hirap limutin, alaalang hindi mapapalitan ng sinu-man.
10 years ago...
" day 50, hi love always remember that I will be here for you no matter how hard our situation is. Ayaw man satin ng buong mundo pero pangako, ipaglalaban kita. Hanggang sa dulo na yung mundo na ang kusang susuko."
pero paano kung naghihintay ka lang sa wala?
paano na yung mga pangako niya?
panghahawakan mo parin ba?
o susuko ka nalang.
"day 91, Hi love. Its been 91 days since you left. Ang hirap bumangon lalo na at wala ka sa tabi ko. Kelan ka babalik? kelan ka magpapakita saakin? Babalik ka pa ba? Sabihan mo naman ako para di ako nagmumukhang tanga."
umaasa parin ako na one day, sasagot ka sa mga voice message ko. kahit isang iloveyou lang, okay na ako.
napabalikwas ako ng marinig na tumunog ang cellphone ko.
"hi love. its me, Kyle. Sorry for everything please be happy. Ituloy mo kung ano yung nasimulan mo. Always remember that I love you. I love you so much my love. Pero siguro its time for you to be happy."
"i love you Annietha. I love you, goodbye"