"Oo nga pre eh, narinig ko, si Fritzie na daw tsaka si Brent."
O_O
Kasalukuyan akong naka-upo sa bench at nagbabasa ng notes nang marinig ko ang usapan na yun. Pamilyar ang boses at alam kong si Lee yun. Bestfriend ng ex kong si Pao. Umupo pala sila dun sa likuran ko. Ewn ko lang kung napansin nila ako. Siguro hindi dahil bagong haircut ako.
"Oo nga daw. Chel told me. Matagal na pala, 2weeks na. You know what dude? Hindi naman ako magtataka kung bakit pinagpalit nya ako kay Brent. Sikat, gwapo, varsity player ba naman. Hindi katulad ko diba?" narinig kong sabi ni Pao.
Tsss. Nevermind. Nagpatuloy lang ako sa pagbabasa at pinilit kong wag mag-eavesdrop sa usapan nila, pero masyado akong malapit at talagang naririnig ko sila.
"Wag mo na isipin yun tol, bakit di mo ligawan si Chel? Maganda naman sya ah?" tanong pa ni Lee.
"Pre naman, kaka-break lang namin ni Fritzie." sagot nito.
1month na kaming break ni Pao. At totoong si Brent ang dahilan kung bakit ko siya hiniwalayan. Sino ba namang magpapalampas pa kay Brent? Nasa kanya na ata ang lahat. Gwapo, matalino, sweet, popular at pantasya ng mga kababaihan sa school. Kaya nung nagparamdam sa akin si Brent. Hindi na ako nagdalawang-isip pa na hiwalayan si Pao. Gwapo nman si Pao, at mabait. Kaso nerdy type kasi sya. Parang medyo boring kasama. Di katulad ni Brent na cool at talagang boyfriend material. talagang kahit sino pa ang papiliin mo, si Brent ang pipiliin nila dahil sa lakas ng appeal nito.
Hindi ko nga alam kung bakit ako nakatiis kay Pao eh. Madalas na nga akong tinutukso ng mga friends ko kasi, nerd daw ang boyfriend ko. Siguro daw mas madaming oras pa yung binibigay nya sa mga aklat kesa sa akin. Mas matagal pa daw siguro ito sa library kesa sa pagpunta sa bahay namin.
Dati hindi ko iniintindi yung mga sinasabi nila, dati wala akong pakialam sa sasabihin ng iba. Basta ang alam ko nun, nagmamahalan kami.
Pero, ngayon, iba na.
Hindi ko alam parang natauhan ako bigla?
*FLASHBACK*
"Ouch!" napasigaw ako sa sakit. Napaupo ako dahil sa lakas ng bangga sa akin nung lalaki. hindi ako makatayo. Sinundan ko na lang ng tingin yung lalaking nakabangga sa akin habang tumatakbo ito palayo.
Gusto ko sanang sumigaw, kaso di ko magawa dahil iniinda ko yung sakit ng likod ko.
Bwisit na lalaki yun. Hindi man lang ako tinulungan tumayo!!
Tatayo na sana ako ng biglang..
"Fritz? okay ka lang?" tanong ng isang lalaki mula sa likuran ko.
Lumingon ako para tingnan sya.
O.O
"B-brent? Ah. Oo okay lang." tapos pinilit kong tumayo, pero..
"Oopss." sabi nya tapos inalalayan na ako kasi hindi ko pa masyadong kayang tumayo ng ayos.
"Okay ka pa jan ha." sabi nya nung nakatayo na ako.
"Ah, oo okay na ko Brent. Salamat."
Nauna akong maglakad sa kanya papunta sa room. Classmates kasi kami ni Brent, tapos bihira lang kami magkausap. Siguro dahil walang masyadong pagkakataon kahit pa magkaklase kami.
"Late na tayo, wag na kaya tayo pumasok? Samahan mo muna ako." sabi nya.
Huminto ako sa paglakad. Tiningnan ko ang wrist watch ko.
What?!!! 20 minutes na pala kaming late!!
Humarap ako sa kanya.
"Oo nga nuh? Late na tayo. San ka ba pupunta?"
![](https://img.wattpad.com/cover/2260129-288-k985901.jpg)