Nang maayos ko na ang lahat, nagtungo ako sa room ng department head namin.
*tok tok tok*
Agad naman bumukas yung pinto.
"Oh Ms. Ramos, what's with that face?" bungad skn ni ma'am.
"Ah ano po kasi, masama po kasi sobra yung pakiramdam ko." pagdadahilan ko.
"Ah ganun ba? Oh pasok ka muna hija, ano bang maitutulong ko sayo?"
pumasok naman ako dala dala ung maleta ko at pinaupo ako ni ma'am dun sa may maliit na sofa.
"Ma'am I want to go home if you don't mind, sobrang sama po talaga ng pakiramdam ko eh." malamig na sabi ko.
"Ha? Eh hija d pa tapos yung seminar and besides gabi na ah. D ka naman mahahatid nung service natin kasi kailangan sabay sabay. Di mo na ba talaga kaya?" nag-aalalang sabi ni ma'am.
"Ahm.. Magcocommute na lang po ako. D ko na po talaga kaya eh." di ko na talaga kaya yung sakit na binigay ni Collin sakin, sobrang sakit talaga.
"Naku, delikado bumyahe mag-isa. Ocge ganito na lang, ang team natin uwi na tayo, d naman na masyadong importante yung mga activities bukas eh. Para sabay sabay na."
"Naku ma'am wag na po. Ako na lang po ang uuwi. Pwede naman po akong magpasundo. Pangit naman po kung dahil sakin d na mawiwitness ng team natin yung activity bukas." pagpapalusot ko.
"Sigurado ka ba jan?" nag-aalala pa rin si ma'am.
"Opo, magpapasundo na lang po ako. Pasensya na po talaga."
"Okay, mag-iingat ka ha."
"Opo. Salamat po. Sorry po ulit."
Lumabas na ko ng kwarto. Naglakad na ko palabas ng hotel.
Pano na ko uuwi nito? Magcocommute na lang ba talaga ako? Hindi naman ako pwedeng magpasundo kay mommy kasi busy sa work. Haaayy. *sigh* Naiiyak iyak na ko.
Umupo muna ako dun sa may malaking bato, nakalabas na ko ng hotel.
Ah alam ko na! Text ko kya si Lyra. Sana naman d sya busy..
[hi Ly.. Sorry to disturb you, pwede ka ba ngayon? please...] text ko sa kanya.
Agad naman siyang nagreply.
[bakit Al? Prob? Oo pwede ako ngayon..]
Kahit papano napangiti ako dun. Kahit papano may tao pa talagang concern sakin.
Agad akong nagreply.
[pwede mo ba akong sunduin dito sa Baguio? gusto ko na makaalis dito. pleaseeee...]
nagreply ulit sya..
[Sure. Sakto malapit lang ako sa Baguio ngayon kasi andito ako sa Tita ko eh. I'll be there in 30 minutes. Wala na ring traffic ngayon.]
Ang bait talaga ni Lyra!! Naiiyak tuloy ako..
[Thanks Ly. Alam mo ba tong lugar?]
[Oo naman. D ba nga dapat ako kasama jan. Ocge, on the way na ko. Sa may hotel ba mismo?]
[Hindi Ly. Dto kna dumiretso sa malapit na fast food. Thanks talaga.]
Tumayo ako at pumunta ako dun sa Fast food na tntukoy ko kay Lyra.
Dun ako pumwesto sa may table na nasa sulok.
Di ko talaga makalimutan yun. Ang sakit palang maloko. Naiiyak na natatawa na lang ako.
After 30 minutes nga, nakita kong paparating na yung kotse ni Lyra. Lumabas na ko.
Nung pagkababa pa lang ni Lyra, niyakap ko na siya ng mahigpit.
Nagulat siya. "Oh ano bang problema Al?"
"Masaya lang ako kasi nanjan ka." maiyak iyak na sabi ko.
"Ano ka ba! Bestfriend kita eh! Matitiis ba kita? Haha. Pasok na nga sa kotse, ikwento mo sakin problema mo..
Pumasok na nga kami sa kotse. Nagdrive na siya.
"Oh kwentuhan mo na ko.." pangungulit niya.
Kwinento ko naman lahat lhat.. Simula nung umpisang kasama ko si Collin hanggang nung kaninang nangyari.
Napahinto siya sa pagmamaneho. "Ano??????? Ikaw Al?? Naloko nung Collin Laker na yun???? Wow ah! Isan Allie Isabelle Ramos, first time naloko ng lalaki at napaiyak pa!! Bago yun ah!!" mlakas na sbi niya at tuluy tuloy pa. Nagmaneho ulit siya.
"Ano ka ba, haha. Yan ding ang naisip ko. Masakit palang maloko. Haha." Natatawang sabi ko. Dinadaan ko na lang sa tawa pero sobrang sakit talaga.
"So ano ng plano mo ngayon?" nag-aalalang tanong ni Lyra.
"Simple lang. Life must go on.' at with a smile ko pa sinabi yan.
"Well, nga naman, ikaw si Allie eh! Yan ang kilala kong Allie, matapang!" pagpapalakas ng loob na sinabi sakin ni Lyra.
Ako nga naman si Allie. Matapang. Walang kinakatakutan. Nakatagpo lang siguro ako ng kalaban. Karma na siguro sa akin lahat ng yun.
Nakarating na kami sa bahay ko. Madaling araw na.
"Maraming salamat talaga Ly! The best ka talaga! Super super salamat." nakangiting sabi ko sa kanya.
"Wala yun Al! May utang kna sakin ah! Hehe." pagbibiro pa niya.
Nagwave na ko sa kanya. At umalis na siya.
May susi naman ako ng bahay kaya nakapasok na ko.
Narinig ata ni mommy yung pagbukas ko ng pinto kasi bumaba siya mula sa kwarto niya sa itaas.
Ang lakas talga ng pakiramdam ni mommy.
"Oh Allie? Nandito ka na agad? 3 am pa lang ah. Akala ko tuloy magnanakaw ung pumasok." sabi ni mommy habang kinukusot pa yung mata niya at humihikab..
"Ano po kasi, nauna na po ako. Nagpahatid na po ako kay Lyra kasi malapit lang po siya kanina dun sa lugar ng seminar. Sumama po kasi pakiramdam ko kanina." sabi ko na lang.
"Ah ganun ba?Ngayon ok ka na ba? Gusto mo bang kumain?" pag-aalala ni mommy.
"Wag na po mie, tulog na po kayo. Matutulog na din po ako."
Tumango na lang siya. At pumasok na sa kwarto niya. Pumasok na lang din ako sa kwarto ko.
Nagbihis ako at humiga na.
Nag-isip isip...
Ang galing ni Collin. Biruin mo napaibig niya ko ng ganun ganun lang. d man pag-ibig masyado pero ako nagkagusto? Haaayy. Iba talaga siya..
Kinuha ko yung cp ko.
May mga text nga pla siya kanina pa pero hindi ko lang binasa..
Binuksan ko yung mga message niya.
[Allissa I'm sorry. Usap naman tayo..]
[Sorry talaga. Let me explain.]
[Allissa.. Sorry.]
[Sorry..]
[Tulog ka na ba? Usap naman tayo bukas. Pleaseeee..]
[Okay goodnight na kung tulog ka na. Usap tayo bukas ha. Antaying kita sa labas ng room niyo.]
Yung iba paulit ulit na lang.
Napaluha na naman ako...
"Mag-antay ka sa wala!" sabi ko dun sa phone ko.. Nababaliw na ata ako eh..

BINABASA MO ANG
SORRY because I Love you..
Teen FictionAre you a LOVE PLAYER?Then what if someone did it to you? That someone who you loved. Then you found out that it was all a Game, a PLAN, and most of all a RELATIONSHIT. Will you forgive that person and start a REAL-ationship? Read this and you will...